CHAPTER 21 (Pre-Cana) A

18 4 0
                                    

A/N:
Mahaba kaya hinati ko sa dalawang chapters, bear with me guys.

*Miles*

“Babe, ano sa tingin mo ang maganda dito sa dalawa?”

Napalingon ako kay Babe saglit, nasa kama siya at hawak ang tablet niya bago ko binalikan ang pagtitipa ko sa laptop ko. “Kahit alin, Babe,”

“Eh ito, sa motif ng dress ng mga bridesmaid, sa tingin ko mas okay kung pare-pareho na lang gaya nung kay Ate Rossanne or may kanya-kanyang style?”

Napaisip ako saglit, napabuntong hininga at tumigil para hilutin ang sentido ko.

“Bakit kasi hindi mo isinusuot ang eye-protector glasses mo?”

Naramdaman ko ang paglapit niya at pagpahid ng essential oil sa sentido ko. Napapikit ako at sumandal saglit sa recliner tapos hinayaan siyang hilutin ang noo ko pababa sa batok ko.

“Thanks, babe,” mahinang usal ko.

“Overworked ka na, Babe,”

“Kailangan eh, ang daming gastusin,”

Saglit kaming nananahimik at naramdaman ko na may humimas ng buhok ko. “Babe, sigurado ka bang itutuloy pa natin ang wedding this year?”

Napadilat ako bigla. “Oo naman! Isang taon nating hinintay 'to eh,”

Napabuntong hininga siya at ipinatong ang baba sa balikat ko. “Nagwo-worry lang ako, baka kasi kulangin tayo sa oras, ang dami pang dapat ayusin, mga papers natin, kukuha pa tayo ng marriage license,”

“Month before naman ng wedding day natin yun, bakit?”

Nakasimangot na kasi siya. Umupo naman sa kandungan ko. “Bakit?” hinalikan ko na siya sa buhok. “May problema ba?”

“I was thinking, baka di kasi umabot sa June, May na ngayon, iniisip ko kasi, kung kumuha na tayo ng wedding planner, hindi kaya nina Ate Rossanne at Sab ang wedding prep, may baby pa si ate, si Sab, may ibang trabaho, hindi nila matututukan lahat, may other commitments din ako,”

“Okay, okay, sige, kumuha na tayo ng planner or coordinator,” papaiyak na kasi siya eh. “Ako nang bahala sa gastos,”

“May savings naman tayo, hayaan mo na kasing gamitin ko ang fund ko,”

“Babe, sa 'yo yun, for future needs mo yun,”

Umiwas siya ng tingin. “Kung ganito rin lang, ni ayaw mong tulungan kita, di dapat hindi na tayo nag-invite ng marami, tayo-tayo lang din,”

“Ayoko, memorable ang kasal lalo na sa 'yo, ayaw mo bang kasama ang mga kaibigan mo sa special day mo?”

“Natin, special day natin,” maagap na pagtama niya na parang galit pa.

“Bakit ka ba kasi?” naguguluhan na rin ako sa mga ikinikilos niya. Minsan masaya siya tapos bigla na lang iiyak.

Mas moody pa siya ngayon kaysa nung mga unang taon namin.

“Eh ikaw naman kasi, lagi mong sinasabi na para sa 'kin lahat 'to, alam kong gusto mo lang akong bigyan ng magandang wedding pero, ayoko namang nakikitang pinapagod mo ang sarili mo, babe kasi, hayaan mo nang tulungan kita sa mga gastos, malaki na rin naman ang ipon ko,”

“Di ba napag-usapan na natin 'to? Hayaan mo na 'ko, maski dito man lang, masuklian ko ang lahat ng ginawa mo sa 'kin,”

“Hindi naman ako naniningil eh,”

“Babe,” hinawakan ko ang mga kamay niya at dinampian ng halik. “Ako na 'to, marami ka nang nagawa, marami ka nang ibinigay sa akin, hayaan mong ako naman ang magbigay sa 'yo, tsaka yung pera mo, itabi mo lang, for studies mo pa, maglo-law school ka pa, di ba?”

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon