CHAPTER 18 (Anniversary)

19 3 0
                                    


*Reina*

I was doing the last-minute fix to the dinner table when I heard the doorbell ring. I almost jump and shriek in excitement. 

So I hurriedly ran towards the door but before I opened it, I tried to smooth the crease of my long tee, fix my updo and act as normal as possible I can be. 

I clutched the doorknob and opened it. With a huge smile on my face. 

“Oh!” nagulat pa siya nung makita ako. “Binago mo yung passcode, di mo man lang sinabi sa akin,” bungad niya habang nagtatanggal ng sapatos. 

“Sorry, natakot kasi ako kasi nauuso yung mga nakawan ngayon, may key card ka naman ah,” 

“Naiwan ko eh,” nag-disinfect muna siya tapos hinubad ang sapatos at nagpalit ng house slipper pati yung suot na jacket niya at sinabit sa metal peg sa gilid. 

Sabay na kaming lumakad papasok. Inilagay niya ang braso niya sa baywang ko. 

“Kumain ka na?” tanong niya habang papalapit kami sa sala. 

“Hindi pa, hinihintay kita.” napakagat labi pa ako. 

Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago naupo sa sofa. Tinabihan ko naman. 

“Pagod ka?” lumapit ako at minasahe ang balikat niya at leeg. 

“Medyo, ang dami kasi naming ginawa eh, tapos dun sa head office ang toxic pa.”

Nasa business solution company pa rin kasi siya bilang tech support encoder, magwawalong buwan na. Dati kasing online tapos part-time lang siya kaso na-absorbed siya at naging on-site na sila ilang buwan matapos mag-face-to-face ang class namin last November. 

“Sana kasi nag-resign ka na sa trabaho mo, paano yan, malapit na ang internship mo,”

“Wala akong magagawa eh, ayaw muna nila akong umalis, wala pa raw akong kapalit, need ko rin yun pangkumpleto sa school requirements,” tapos isinandal niya ang ulo niya sa backrest ng sofa. Pumikit at bumuntong hininga ulit. 

Medyo nadismaya ako kasi parang nakalimutan na niya. Na parang ordinaryong araw lang ngayon. Pero inisip ko na lang na baka pagod lang talaga siya. 

“Gusto mo bang kumain? I prepared something,” 

Hindi siya umimik, mukhang nakatulog na yata. 

“Babe, tulog ka na?” 

Umungol lang siya. Kaya inisip kong ipagpaliban na lang yung celebration namin. Actually, di naman kailangan i-celebrate pero gusto ko lang i-cherish ang milestone ng relationship namin. 

Three years na rin kaming live-in marking today, four days before my birthday. Our real anniversary is March 17, which we missed celebrating because of our prior commitments.

So I planned to celebrate today, to make up for our shortcomings and to mark our three years living together, it was also special for me when he agreed to commit to a partnership with me. 

Kahit mahirap, kinaya naman namin. Kahit minsan, long-distance pa kami noong mga unang taon namin gawa nung competition ko abroad, okay lang. Parati ko naman kasing nararamdaman na nandyan lang siya. 

Nitong last couple months lang ako nag-decide na tumigil na munang mag-compete. Hindi na rin kasi ako nakakapasok sa school dahil sa mga international sports events na sinalihan namin.

I decided to take a break and focus on my first goal, which is finishing my study. Hindi ko talaga kayang pagsabayin eh. Sinubukan ko naman pero, hindi talaga kaya. 

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon