ACKNOWLEDGEMENT

63 1 0
                                        


And here we are to my favorite portion!!
Shout out sa mga friends ko na writers! Kay Rindouu, chigggy at kay OMGitsMei
Kamusta na kayo!? Wala pa bang bagong chika? Char!

Unang una, thank you sa mga nagbasa at magbabasa pa lang ng Sunset in Paradise.

Kung kayo ang papipiliin, ano ang mas mahalaga? Love o Career?

Kung siguro wala kang dyowa, career, pakatotoo na tayo, mahirap mag-established ng career sa panahon ngayon. Eh pa'no kung taken ka tapos matagal na kayo? Paano na lovelife?

Meron naman kasing kayang pagsabayin, meron namang hindi, kanya-kanya kasi tayo kung paano natin dadalhin ang mga commitment natin pero kung sa sandaling papiliin tayo, piliin natin yung magiging masaya at magiging fulfilling tayo kasi walang pwedeng magpaandar ng buhay natin kundi tayo rin mismo.

Bakit ko ba kayo inaaning? Hahaha.

Hypothetical question lang yan pero mahirap rin ang tanong na yan. Minsan kung anong tingin natin na madaling sagutin, yun pa yung madalas mahirap panindigan, tama ba? Oh right.

Wala naman akong masyadong hanash, nagugulat nga rin ako kasi kahit ako mismo, hindi ko nga alam ang mga 'to, bakit ko ba pinakikilaman ang buhay ng ibang tao eh sarili kong buhay hindi ko maayos.

Dako na tayo sa talakayan portion, kung napapansin n'yo yung ibang conflicts medyo recycled na, oo, kasi sa book 1, sa Queen of Damn, natalakay ko na yung ibang mga issues na natalakay ulit dito.

Ganito kasi yan, medyo kinapos kasi ako dun sa book 1 kaya ipinagpatuloy ko na lang sa Sunset in Paradise. Yung PTSD ni Reina, hindi ko masyadong na-highlight kasi nga overwhelmed ako sa gangster side ng QOD.

Medyo magulo pa kasi pero pasasaan ba, magiging malinaw din sa huli ang lahat. One at a time, sana nga ma-deliver ko nang maayos gaya ng nasa plano ko.

Anyway, dito kasi sa SIP, mas binigyan ko ng focus ang normal or daily life ng mga characters ko dito, naming, the two main characters. Miles and Reina.

From senior high to college,
From student to athlete,
From working student to early adulthood,
Relationships and commitment,
Societal issues and mental health,
Work and love life.

Siyempre di nawala ang Babe Time, hmmmp, normal yun sa couple kaya nga mas pinasimple at ginawa kong mas relatable sa mga couples din na nakaka-encounter ng mga problems at issue nung dalawa.

Ganito kasi yan, ako kasi kapag gumagawa ako ng story, mas binibigyan ko ng pansin yung mga basic flaws and assets ng mga bida. Kasi dun ko hinuhugot ang mga conflicts na gagamitin ko sa story. Bigay ako ng example.

Unahin na natin yung kay Reina.
Mayaman, as in sobrang yaman.
Maganda pang-beau-con.
Atleta, physically fit, matalino at palaban ang ate mo girl.
May panindigan, may palabra de honor, (Oh, Spanish yarn!)

Yung bad traits or flaws niya.
Immature, kasi iniisip niya, kaya niyang gawin at pasunurin ang lahat sa gusto niya. (Kasi mayaman siya.)
Bratinella, bully siya kaso hindi na masyado. (once again, mayaman siya)
Mainitin ang ulo. (May toyo talaga siya at ang bilis topakin)
Selosa, kasi gusto niya sa kanya lang ang atensyon ng ebeb niya. (Maganda daw kasi siya)
At higit sa lahat, may hidden past.

Though added flavor na lang yung pagkakaroon niya ng mental disorder, (e.g. PTSD turned out to be C-PTSD later on.)

Kay Miles naman. (Telege beh,)
May integridad, maprinsipyo at masipag. Matalino, gwapo, matangkad, matikas ang pangangatawan at bigay-todo magmahal.
Miles mapagmahal nga siya sa book 1 ko eh hahaha.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon