*Miles*
Matapos ang isang buwang preparasyon, naayos ko na ang lahat ng mga papeles ko. Hinihintay ko na lang ang flight date at ang release ng visa ko.
Wala naman akong naging problemang magpaalam sa recent na trabaho ko, ang sabi pa ni Eng. Santos, kahit kailan ko daw gustong bumalik, welcome pa rin daw ako.
Medyo naging maiksi nga lang ang stay ko sa DCRC pero, worth it naman dahil mababait ang mga nakatrabaho ko.
Hinandaan pa 'ko nila ng pa-despedida, nagulat ako kasi hindi ko in-expect ito galing sa kanila. Nakita ko rin si Stephanie, nag-usap kami at nagkamustahan saglit pero hindi ko na rin masyadong in-entertain lalo na ngayon, mas alam ko nang may motibo sa ikinikilos niya.
Hindi na rin naman siya nagpumilit pero sinabi niyang may project din daw siya abroad. Same company pa kami.
Naisip ko na tama nga talaga ang misis ko, hindi pa nagkamali ang kutob ni Reina, ni minsan. Lahat ng pinagselosan niya, mga nagkagusto talaga sa akin.
Mas lalo kong napagtanto na naging unfair ako sa asawa ko. Pero, iniisip ko na lang na aral din sa amin ito. At ang masaklap, pareho kaming nagkamali at napaso.
“Sana magkita tayo dun, sa Spain ka, sa Italy naman ako, ang galing 'no? Same pa tayo ng company na—”
“Wala ka bang ibang makausap?”
Nabigla siya dahil biglang umasim ang mood ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa bar table, nagpapalipas ng oras. Hindi ako iinom dahil magda-drive pa ako.
“I get it, you kept on ignoring me these past few weeks, is this about your annulment case—”
“Siguro sa akin na lang yun, maghanap ka na lang ng iba, wala ako sa mood,” tangkang aalis na ako kaso hinawakan niya ako braso.
“What is wrong with you? Hindi ka naman ganyan sa akin dati,”
“Probably because I thought I could keep our friendship as is and nothing more,”
“Miles, I...”
“Save it, ayoko nang marinig ang sasabihin mo,” kinalas ko na ang pagkakahawak niya sa braso ko.
“Pero Miles,”
Hinarap ko siya sa isa pang pagkakataon. “Alam mo, pinagkatiwalaan kita, sinabi ko sa 'yo lahat pero anong ginawa mo?”
Bigla kong naalala ang mga payo, mga encouragement at mga hugot galing sa kanya. Bakit di ko nahalata na may ibang kahulugan yun at ni hindi man lang ako nagduda?
“Miles, it's really complicated, I can explain to you if you have time,”
“Pakiramdam ko lahat ng ipinakita mo at mga sinabi mo sa akin, puro kasinungalingan, dapat talaga nakinig ako sa asawa ko,”
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. “So ano, pinagsisisihan mo na nakipaghiwalay ka sa kanya?”
“Oo, pero nandito na 'to, paninindigan ko na, ang laki kong tanga para isiping wala kang ibang motibo, naging totoo ka man lang ba sa akin ni minsan?
Mas dapat naniwala ako sa kanya kaysa sa ibang tao, pasensya na pero hindi na tayo pwedeng mag-usap kagaya ng dati,” tinalikuran ko na siya.
“The thing is, I like you, Miles, I didn't mean to feel it but I like you so much,”
Humugot ako ng malalim na hininga. Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit di ko nahalata? Ganun ba ako sobrang nabulag ng pride at galit ko?
“I don't feel the same, I'm sorry, just choose someone else,”
“Bakit hindi natin subukan? You know, your marriage will be null and void soon,”
BINABASA MO ANG
Sunset in Paradise
General Fiction"Hindi sapat na mahal ka lang at mahal mo siya para masabi mong kayo ang para sa isa't isa." The couple that has been through thick and thin, survived tides high and low, is considered unbreakable. Miles and Reina are the best examples of that. Th...