CHAPTER 33 (Cold Shoulder)

50 3 6
                                    

*Reina*

It was Christmas and I felt like I didn't have anything to celebrate the yuletide season. I'm done with relentless and countless arguments with Miles and I think he feels the same.

We just pretended everything was fine when we were with his family, we still showed up as a married couple in one event, he didn't seem to pay attention but I looked at him with longing. Madly longing for his open arms and his kisses.

We used to celebrate the season with warmth and auspiciously because we had made it again, we overcame a year of trials and obstacles together.

Now, things have changed. Everything had changed.

I just wanna drown this feeling, I wanna feel anything other than this emptiness and loneliness.

Kahit anong gawin kong isip kung paano kami magkakaayos, palagi kong naaalala na ang mga sakit na dinulot niya sa 'kin.

Masyado na kaming maligalig, masyado nang magulo.

Parang gusto ko nang bitawan na lang, pero gusto ko pa ring sagipin. Gusto ko pa ring ilaban. Gusto ko pa ring pangalagaan, gusto ko pa rin siyang mahalin pero ang dami nang nangyari, ang dami na naming naging sugat.

Parang gusto ko na ring sumuko.

Sugatan at pagod na.

Pagod na pagod na akong intindihin at bigyan ng pagkakataon ang relasyon namin. Parang ang hirap nang hanapan ng solusyon. Parang ang hirap nang gamutin.

Siguro tama nga sila, wala kaming magagamot kung pareho kaming may inindang sakit. Babalik at babalik lang ang impeksyon, babalik lang ulit ang karamdaman at hindi tuluyang gagaling.

Kaya siguro, mabuti na rin na hindi muna kami magkita. Para maiwasan naming madagdagan ang mga sugat at baka hindi na talaga maghilom.

I sighed softly before I chugged on the bottle in my hand.

“Sabing tama na 'yan, Reina,” may pilit na kumuha sa mga kamay ko kaya iniwas ko.

Nabitawan ko kaya tumilapon at nabasag sa sahig.

Kumuha ulit ako mula sa mesa, binuksan at nilagok ko ulit. Pilit pa rin niyang inaagaw sa akin.

“Ano ba, Benny?!”

“Tumigil ka na, nakakalima ka na, baka may mangyari na naman sa 'yo,”

“Ayoko, hayaan mo na 'ko, gusto ko lang magpakalunod,”

“Reina, bakit ba kasi... Bakit ba pinapahirapan mo ang sarili mo ng ganito?”

Hindi ako sumagot at pilit sumisimple ng inom kaso pinigilan niya ulit ako.

“Ano ba? Ano ba Benny? Ba't pati ikaw hindi nakikisama?”

“Masama sa 'yo ang alak, makakasama sa kalagayan mo,”

May bahid na pag-aalala ang boses niya pero hindi ko alintana. Hanggang sa kunin na niya ang mga bote at inilayo. Sa inis ko dahil ayaw niyang ibigay, inihagis ko ang kahit anong mahawakan ko. Yung centerpiece, yung snowman at snow globe na walang kamalay-malay pati ang platito na pinaglagyan ng tsisirya at yung bowl ng popcorn.

Tumilapon lahat at wala akong itinira ultimo mga unan, pinaghahagis ko.

“Tama na! Reina, isa, bibigwasan na talaga kita!” banta niya dahil pati siya binabato ko na.

Napigilan niya rin ako nung pupulutin ko ang bubog mula sa basag na bote at ipanglalaslas ko sa braso ko at nakipanbuno pa sa akin hanggang sa makuha niya at maitapon. Saka niya ako inalog at sinigawan.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon