CHAPTER 29 (Wither and Cold)

41 1 0
                                    

*Reina*

My husband decided to quit his job.

It was a critical adjustment and a very crucial decision especially now that we are planning to buy a property together.

Well, wala naman sa akin kung ako muna ang magbabayad pero, talaga ba? Ngayon talaga na halos naubos ang savings niya dahil sa kasal namin?

Pilit ko na lang iniintindi, kasi hindi naman talaga niya ginusto yun, napilitan lang din siya dahil na rin sa pressure at sa ka-toxic-an ng mga katrabaho niya. Mas okay na rin yun, para iwas gulo. Baka kasi makasuhan ko lang sila kapag may ginawa sila sa kanya. Hindi ako mananahimik kapag kinanti nila ang asawa ko.

Ilalaban ko talaga ng patayan ang mister ko.

Mas pinili ko na lang unawain ang lagay niya dahil ngayon lang naman siya talaga na-depressed at nawalan ng gana sa lahat. Mas gusto ko pa siya nung nag-aaral pa kami, kahit pagod, worth it kasi masaya siya sa ginawa niya.

Pero simula nung lumipat siya sa recent firm niya, parang tumanda siya ng halos tatlong taon, minsan di pa makausap nang maayos kasi problemado, na-haggard talaga siya at talagang kumsumido, kaya mas okay na rin na umalis na siya dun, tutal, hindi sila kawalan, sila pa ang nawalan dahil pinakawalan nila ang isang magaling na kagaya niya.

Proud na proud ako sa kanya at naging achievements niya. Kahit mahirap ang pinagdaanan niya marating lang ang estado niya ngayon, hindi siya sumuko. Ngayon lang talaga. It seemed like every day at work was a struggle for him.

And for me, it was painful to see him every day chipping away at something that he loves the most. He really loves his job.

May mga kwento pa siya noon kung paano niya hinahangaan ang mga katrabaho niya, kung gaano niya gustong maging kagaya nila. I mean, I saw in his eyes the joy of learning and discovering something new.

Those eyes always lit up when he talked about how his day went and how he tackled the problem analytically. He was, at that time, on top of his game. And I would always crave his stories, our bedtime talk and how we wanted to spend the night. It was always a joy for me to see him happy with his work.

But that changed suddenly when he landed at that company. How I wished I did something to even retaliate what they did to him, I swear, I could actually make a legal effort to make them pay.

How dare they to treat him like that! My poor husband did nothing to deserve those harassments. They killed his joy, they all diminished one at a time since day one of working with them.

Kating kati na talaga akong gumawa ng hakbang para mapasara na ang kompanya na yun tutal, ang dami nilang violations sa labor code and ethics maging sa lawsuit na kakaharapin nila kapag may isang building sila na nasira o nadisgrasya dahil sa substandard na materials na ginamit.

I could make it happen, it's just my husband who didn't want to prolong the issue and move along. It's exasperating and infuriating me. But since he wouldn't agree with me, I lay my case down. Besides, even if they did him wrong, he can't afford to ruin his coworker's lives, to make them suffer too when the company dissolved.

Which really gets me. Masyado kasi siyang mabait minsan eh, kaya madalas siyang inaabuso.

Ipinagdarasal ko lang na sana tama ang desisyon niya. Well, on every decision he makes, I'll always give my two hands for it. I'm always down for it. Because I trusted him, and I had more faith in him than myself.

Hindi rin naman siya na-bored dahil simula nung nawalan siya ng trabaho, naging busy na rin siya. Marami din kasi siyang hobbies na pwedeng pagkakitaan. Kilala ko ang mister ko, madiskarte talaga at hindi nauubusan ng paraan para kumita.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon