Bullets And Blood Brotherhood

52 2 0
                                        

The Black Order has chosen them to be their breakthrough legacy.

“Ang Kapatiran ay para sa mga taong inaagrabyado at pinahirapan, hindi tayo ang magkakalaban,”

Ysaak is orphaned by an incident that happened six years ago. Left to fend on his own, he tried to find something to make every day worth living for. The only motivation he has is his half-sister who lives in the house of his enemy. He is determined that one day, he will take her away from the evil plan of her stepmom.

But even though he tries hard, he's still stuck in his crappy and miserable life.

One day, his Godfather, Dado knocked on his door and took him under his wing. With his guidance and influence, Ysaak somehow found a place he could call home. But an incident occurs one fateful night that leads him to take crucial consequences. It is to go to jail and rot or go to a place where marksman was made.

Little did he know, it would be his biggest mistake that would turn his world upside down.

********

Trigger warning: mature content ahead, be informed that this is a mature-themed story that contains some violence, language and gore scenes. Please take note that this is just a work of fiction and the scene you're about to read is just a product of the pure imagination of the author.

‡Excerpt from Bullets and Blood Brotherhood‡

Madilim ang paligid.

Marami akong naririnig na ingay, mga nagsasalita at mga humihiyaw na kaluluwa, mga taong sumisigaw at humingi ng hustisya. Parati namang ganito ang naririnig ko. Parating maingay, parating magulo at parating may bumubulong sa 'kin sa tuwing napapadpad ako dito.

Pang-ilang beses ko na ba dito? Di ko na mabilang at kung kailan ko sila nag-umpisang marinig dito sa isip ko.

Dapit-hapon na at kulay dugo na naman ang langit.

Wala namang pinagbago, kahit naman umaga o gabi, parating ganito ang nasa paligid ko. Maging ang simoy ng hangin. Masangsang, mabigat at nakakasakal. Hindi umaandar ang oras kapag narito ako, parating nakabitin sa ere.

Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang gumawa ng ganitong mundo, nung una kasi, pinagpalagay ko na nasa isip ko lang naman 'to kaya binalewala ko lang.

Nung unang pagkakataon nga, pumasok na sa isip ko na nababaliw na nga siguro ako, na sa sobrang kahibangan ko, nakalikha ako ng isang santuaryo. Akala ko kasi magiging ligtas ako dito. Akala ko pero mali ako.

Akala ko kasi kaya kong labanan. Akala ko hindi ako kakainin ng nilikha ko. Akala ko magiging kakampi ko siya. Pero hindi, kasinungalingan pala ang lahat.

Naging sakim at mapagmataas, naging hayok na hindi makontrol. Ang dati kong sarili na akala ko kaya ko pang balikan, nilamon na ng diyablo na siya ring nilikha ko, para saan? Para makaligtas ako.

Pero habang tumatagal, lumalawak ang sakop ng teritoryo niya sa kaisipan ko. Lumalaganap ang kadiliman sa tuwing pumapatay ako ng tao. Sa tuwing kinakailangan ko ng tulong niya.

Sa tuwing pinapalaya ko ang isang katulad niya.

Oo, mas lumakas na siya di gaya ng dati. At narito na naman ako sa harap niya. Nakaupo siya sa trono, sa paborito niyang lugar, sa gitna ng burol na nilikha niya mula sa mga pinagpatung-patong na parte ng katawan, mga labi ng mga taong pinaslang ko nung nakaraan.

Sunset in ParadiseMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon