Keeping Up With The Mafia (Spinoff)

44 0 0
                                    

Keeping up with the Mafia
Ike's collection of stories
Enrique Palanca Ban's narration of selective events throughout the series.

Enrique Ban or Ike to his friends lived a normal life before he became broke and desperate to pay the loan sharks that he had indebted a few years back. Due to his gambling streak and alcoholism plus his struggle to find a decent job.

Came from a middle-class family, and it has been a norm for him to be at the disposal of anyone just to make ends meet. But one day, he came across a dangerous man, surrounded by his bodyguards and minions.

Because of his transgressions in the past, he opted to accept the man's offer just to get by, but he did not expect that his life will about to change when he decided to join the Pentecosta gang and its affiliated organization.

*********

Excerpt from Keeping up with the Mafia (Spinoff)‡

**********

Halos di pa nawawala ang amats ko nung tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng nightstand. Tamad na tamad akong bumangon para kunin at sagutin.

“Hello,” nasa panaginip pa ang diwa ko.

“Anong hello ka dyan, nas'an ka?”

Napadilat ako bigla at sinipat ang caller sa screen ng phone ko. “B-boss Jett?”

“Nasa'n ka? May lakad tayo, nakalimutan mo na?”

“P--p--pero...”

Bumuntong hininga na lang ang nasa kabilang linya. “Fine, mag-off ka muna ngayon, pero bukas, maaga kang pumunta sa opisina ko,”

“Sige po boss, salamat po,”

Naputol na ang tawag. Nakahinga ako nang maluwag. Salamat naman, pahinga ako ng isang buong araw.

Ibinalik ko sa nightstand ang phone ko at dumapa. Kaso parang tanga naman na hindi naman ako dalawin ng antok. Tinapunan ko ng tingin ang orasan na nakadikit sa dingding ng kwarto ko. Alas diyes na pala ng umaga. Sa pagkakatanda ko, alas kwatro na ako ng madaling araw nakauwi, sh-um-ot pa ako ng ilan kaya para akong may hang-over.

Brandy, gin at vodka.

Naghalo-halo na sa katawan ko kaya nagkandalabu-labo ang sistema ng katawan ko. Ang pakiramdam ko para akong binugbog ng tatlopung tsonggo. Manhid ang katawan ko na parang binibiyak ang ulo ko.

Tang in*, kung alam ko lang, 'di na sana ako sumama kina Faust at Rex, mga tomador kasi talaga ang mga iyon, parang hindi nalalasing.

Tumayo na lang ako at tinungo ang banyo, balak ko sanang maghilamos para mahulas ang pagkalasing ko.

Nung matapos ako sa banyo, dumiretso ako sa tokador na damitan ko.

Mabilisang nagpunas at nagtuyo mukha bago ako nagbihis. Wala akong balak na puntahan o pasyalan, dahil wala naman akong ibang kakilala dito sa Maynila, bukod sa Tiyuhin ko at Ninong ko, wala naman akong immediate na kamag-anak dahil hindi naman ako talaga taga-rito.

Hay, kung alam ko lang na magiging ganito ang buhay ko rito sa Maynila, hindi na sana ako umalis ng Benguet. Na-missed ko tuloy ang klase ng buhay dun, kahit na puro bundok at burol ang nakikita ko araw-araw, okay lang, at least, dun sariwa ang hangin.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon