CHAPTER 6 (Cold August Night)

19 4 0
                                    

*Reina*

Medyo nahihilo na ako at nakalugmok na sa kinauupuan ko. Hindi na talaga ako sanay uminom nang marami.

Lumapit na si Babe sa mesa. “Ano, tara na, uwi na tayo?”

Binuhat na niya ako at dinala sa sasakyan niya matapos naming magpaalam sa kanila.

“Mukhang naparami ang inom mo ah,” habang nilalagyan niya ako ng seat belt.
 
“Nagkayayaan kasi, birthday kasi ni JC.”

Natahimik siya at pinaandar na ang sasakyan. 

“Galit ka ba? Sorry na.”

“Ako? Hindi ah,”

“Ba’t tahimik ka?”

May ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot. 

“Paano ka? May klase ka pa bukas.”

Google meet lang naman.”

Tumahimik ulit siya. “Paano mo ‘ko nahanap?”

“Alam ko namang dito ka pupunta, tinawagan ako ni Benedict.”

“So you guys are friends now,”

Ngumiti lang siya habang busy sa pagmamaneho.

“Babe...”

Napatingin siya sa akin tapos ibinalik niya ulit sa daan ang mga mata. “Yes, Babe?”

Napailing na lang ako. Naisip ko kasi yung sinabi ni Sab kanina. “Wala,” iniwas ko na lang ang tingin ko at sumandal sa backrest ng front seat. 

Narinig ko ang mahinang tawa niya at nararamdaman ang kamay niya sa balikat ko. “Don’t worry, malapit na tayo, you can take a nap.”

Matagal rin ang naging biyahe namin pauwi sa apartment. Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa mukha ko at dun ko namalayang nakahinto na yung sasakyan. 

“Nandito na tayo, kaya mong maglakad o bubuhatin na lang kita?” 

Umiling ako at tumayo na, kahit paano ay nawala nang kaunti ang tama ko dahil nakaidlip ako. 

Nakasandal lang ako sa kanya nung nasa elevator na kami at nung narating na namin ang unit, kinarga na niya ulit ako at dinala na sa kwarto namin. 

Ngayon ko lang napansin yung mga physical changes ng boyfriend ko. Mas lumapad ang balikat niya at tumangkad pa lalo, nahihirapan na nga akong abutin siya kapag nagki-kiss kami, kailangan pa niyang ibaba ang mukha niya. 

Mas gumuwapo pa siya lalo at naging manly. Hindi ko nga alam kung dapat na ba akong kabahan, baka kasi may mga umaaligid na sa kanyang mga haliparot. 

Although I know him and he's not the type of guy who will jump on any provocative invitation. He's just being the person I loved. Loyal and trustworthy. 

Pagkalapag niya sa akin sa kama, agad niyang hinubad ang sapatos ko at kinuha ang bag ko. Papaalis na sana siya nang hilahin ko kaya napasubsob siya ibabaw ko. Agad niyang naikalang yung braso niya at tiningnan ako. 

“Kukuha ako ng bimpo, babe.” 

“Miles,” inilapit ko ang labi ko sa tenga niya at ibinulong.

Napapitlag siya at tinitigan ako nang maige. “No, lasing ka lang, just sleep it through, it will pass.”

“Miles, sige na, just one night,” 

“Ayoko, baka pagsisihan mo 'to pagkagising mo.”

“I'm not gonna regret it if I'm doing it with you.”

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon