CHAPTER 20 (Jitters and Laughter)

18 4 0
                                    

*Reina*

“I-compile mo nga 'to,”

Napaangat ang tingin ko sa cubicle wall at nakita ang mga folders na nasa kamay ng superior ko. Nakapatong sa divider, mga lima o anim na makakapal na bookbinder folders.

“Ah, okay po,” kinuha ko naman, ang bigat kaya ibinaba ko sa desk ko. Saka ko binasa ang nilalaman na files sa unang folder. “About sa money laundering case ng Chiang Tzu gang?”

“Gumawa ka ng summary reports at mag-cross reference ka na rin, need ko yan mamayang 2 pm,”

“Mamayang 2 po?” napasilip ako sa relo ko. 11:30 am.

Tumingin lang siya sa akin. “Kaya mo naman yan, madali lang yan, may meeting pa 'ko, dalhin mo na lang sa office ko kapag tapos mo na,”

Napangiti na lang ako kahit parang gusto ko nang magreklamo. “Okay po, ingat po,”

Pagkaalis niya, napabuga ako ng malalim na hininga at nag-umpisang basahin ang mga files. Nag-vibrate ang phone ko kaya sinilip ko saglit.

Napangiti ako, kahit pa sobrang stressful ng araw ko. Galing kasi kay Babe ang text. Nag-reply ako at agad bumalik sa ginagawa ko.

Alas dose nung may sumilip ulit sa cubicle wall ng desk ko. “Reina, kain na tayo, lunch break na,” si Jai, kapwa ko intern at mas nauna sa akin ng isang linggo.

“Ah, sige, mauna ka na, may tatapusin pa 'ko,” pagtanggi ko habang nagtitipa sa keyboard, tapos ichi-checked ko sa hawak kong document.

“Ano ba 'yan? Kaninong case ba yan?” sumilip pa sa binabasa at tina-type ko sa computer.

“Chiang Tzu gang, money laundering, may pending pa silang Estafa case at Fraud, ang recent nila, bribery to the government officials,”

“Naku, matindi pala yan, need mo ng help?”

“Hindi, kaya ko 'to,” ngumiti na lang ako at inayos ang eye protection glasses ko. “Mag-lunch ka na, matagal pa 'ko dito,”

Umiling siya at isinara ang folder na binabasa ko tapos hinila ang kamay ko. “Mamaya na 'yan, makakapaghintay 'yan, tara na, saglit lang tayo,”

“Oy sandali!”

Nahila niya ako sa cafe na malapit sa office namin. Kumain ako ng light meal tapos kape. Feeling ko, kape na ang dumadaloy sa ugat ko at hindi na dugo.

“Grabe 'no? Ang hirap ng mga pinagagawa sa atin,” ungot niya habang naglalakad kami sa park na malapit sa cafe.

Napangiti na lang ako habang nilalaro ang hawak kong venti. “Ganito talaga siguro kapag intern ka, lalo na siguro kapag nasa actual job na, Di na sila magiging mabait sa atin,”

“Ngayon pa nga lang eh, bongga na ang pahirap nila sa 'tin, siguro mas grabe ang trabaho sa public attorney's office, ayokong mag-OJT dun,”

“No choice ka kapag walang tumanggap na law firm o kaya legal services office sa 'yo pagka-graduate mo,”

Sumimangot siya. Totoo kasi. Ang hirap kayang mag-apply ng trabaho, sa dami ba namang jobless at newly grad ngayong taon, napaka-impractical maging choosy. Yung iba nga, kahit hindi related sa course, pinapatos na.

“Di ko in-expect na ganito pala kahirap ang maging paralegal, actually, na-curious lang naman ako eh, ang hirap din pala, akala ko mahirap na ang PolSci at Economics, nag-History major na lang sana ako,” naupo na siya sa bakanteng park bench.

“Lahat naman ng pre-course law mahirap,” naupo na rin ako sa tabi niya.

Nanahimik kami ng ilang segundo nang mag-vibrate ang phone ko.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon