CHAPTER 14 (Quarantine)

32 3 0
                                    

*Reina*

“Totoo ba 'yan? Hala shocks!” napasinghap ako at napatayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

Kausap ko kasi sa phone si Tanya na nagsabi ng isang masamang balita.

“Oo, sabi ni Kuya Nyx, kaya nga nagpa-test silang lahat dun, buti na lang di pa ako nagpupunta sa dorm,”

“Kamusta naman si Devlin? Di ba parati rin sya dun?”

“Ang alam ko di naman siya nagtagal, di ba parati rin naman siyang umuuwi tuwing weekend, nung time na dumaan dun si Coach Stan, wala siya.”

“Hala ano ba 'yan, kamusta si Coach Stan?”

“Ayun, naka-quarantine, pati nga si Ate Aika eh,”

“Grabe naman, saan ba kasi siya nanggaling? Nag-travel ba siya?”

“Hindi naman siya eh, may kamag-anak daw silang galing abroad, after ng quarantine, nagka-reunion, ayun, late na lumabas ang result, marami nang nahawa. Ang sabi yung mabilis daw kumalat na variants, yung nasa balita,”

“Hala ka! Delta variants,”

“Oo, yan yata yun. Kinabahan nga ako eh, ayaw ko na muna tuloy lumabas,”

“Sige, balitaan mo na lang ulit ako, sana okay lang si Coach Francis, buntis pa naman si Ate Monica,”

“Oo nga eh, ba-bye na, may class pa 'ko,”

“Sige, bye,” nasalampak ako pabalik sa sofa.

Natulala na lang ako ng halos ilang minuto rin bago ko naramdaman ang paglapit at pagyakap ni Babe.

“Babe,” ungot niya.

Napabaling ako sa kanya nung nakapa ko ang mukha niya. “Babe, mainit ka, may lagnat ka?”

“Parang tatangkasuhin yata ako,”

Mainit din ang buga ng hininga niya. “Hala Babe,” sinapo ko ang noo niya. “Punta tayong St Augustine?”

“Wag na, ipapahinga ko lang 'to,”

Na-bothered ako. “Sure ka?”

Di na siya nagsalita at umungol pa. “Babe,”

“Anong gusto mo? Gusto mo ba ng cold compress?”

Umingit lang siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. “Babe, mabigat ka,”

Kaya dahan-dahan ko siyang inalalayan pahiga sa sofa. Tapos tumakbo ako sa banyo at kinuha ang thermometer. Kumuha na rin ako ng cold patch sa ref.

Pagkabalik ko nakabaluktot na siya at parang giniginaw.

“Babe, gusto mo bang sa kwarto tayo?”

Hindi siya umiimik. Kaya itinutok ko na ang thermometer sa tenga niya. Mga five seconds or more tapos tiningnan ko. “Shit, 39. 7 °C! ”

Tumayo ulit ako at kumuha ng bimpo at palanggana na nilagyan ko ng maligamgam na tubig. Tsaka ko maingat na hinubad ang suot niyang jacket. Naka-pull-over hoodie pa naman siya, ang hirap pa namang hubarin sa kanya.

“Babe, pupunasan lang kita ah,”

Pinunasan ko siya ng basang bimpo para bumaba ang temperature niya. Tapos hinubad ko na rin pati medyas niya.

“Bakit mo ba kasi kinukulob ang sarili mo?” mahinang usisa ko habang hinuhubad ang suot na sweat pants.

Pagkatapos kong punasan ang buong katawan niya, nag-checked ulit ako ng temperature, bumaba nang kaunti pero di pa rin ako satisfied. Kaya tumakbo ako pabalik sa medicine cabinet para humanap ng gamot para bumaba ang lagnat niya.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon