CHAPTER 23 (Taking Vow) A

25 3 0
                                        

*Miles*

'Ang pag-ibig ko sa 'yo,
Higit pa sa pilak at ginto...'

Hindi ako mapalagay, makailang ulit na akong patayo-tayo at naglakad tapos mauupo sa marmol na pasimano.

Kasalukuyan kasi akong nasa garden sa gilid ng parish.

Humugot ako ng isang malalim na hininga saka ko sinilip ang relo kong pambisig.

Hindi nawawala ang kabog sa dibdib ko. Parang namahay na ang daga, walang tigil ang pagwawala. Hindi ako makawala sa tindi ng nadarama.

Sigurado naman ako kaso ang tindi talaga ng tambol, parang baho ng drum, naaapektuhan pati ang kalamnan ko, nanginginig, nanlalambot, parang may kumakalikot pa sa aking tyan.

Kakaiba ang kaba, kakaiba ang nerbiyos ko. Pakiramdam ko, parang higit pa ito sa naramdaman ko nung nag-take ako ng exam para sa lisensya ko, at yung nung nagde-defense ako ng thesis ko.

Hindi pa rin bumabalik sa normal ang takbo ng utak ko at maging ng dugo ko, parang may bumabara sa daluyan ng lalamunan ko, di maayos ang paghinga ko kahit pa niluwagan ko sandali ang suot kong itim na bow tie.

Pilit kong itinatago ang nararamdaman ko sa pag-ayos at pagpapanatili ng postura ko pero put*! Nababahag ang buntot ko!

Dumating si Benny at napansin ako. Kunwari hindi ako kabado. Lumapit siya at tinapik ako sa balikat. Medyo maliit lang siya at nasa hanggang balikat ko lang pero kumpara sa akin ngayon, mas matapang at mas malaking tao siya.

“Congrats, Bro, pinanindigan mo talaga siya, bihira ang taong kayang tumagal sa bestfriend ko, sana 'wag kang magbago,”

Napangiti ako at natahimik. Napansin niya kaya ngumiti. “Oy, relax ka lang, di ka pa naman bibitayin,”

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o babatukan eh.

“Sumisikip ang dibdib ko,”

“Baka naman kasi masikip ang suot mong vest?” akmang papagpagan pa niya ang suot kong suit.

Naka-three-piece-suit kasi ako na puti at tuxedo ang collar na kulay itim. Pinili ko na lang tumayo at hinila pababa ang lapel, baka kasi magusot.

“Relax, joke lang yun, 'wag kang masyadong kabahan, di ba na-practice n'yo na rin naman 'to kahapon?”

Tama siya, may short rehearsal kami kahapon para lang coordinated at alam namin ang mga dapat puwesto at gagawin ng mga kasali sa entourage.

Gusto sana naming maraming flower girl, kaso masyado pang bata ang anak ni Kuya Boks at Ate Opel, pamangkin ko at inaanak na si Juliet, pati inaanak ni Babe kay Ate Monica, si Donnalee at kay Elise si Shanaia. Okay sana kung silang tatlo dahil paparada ang mga quarantine babies kaso sa rehearsal pa lang kahapon, nagkakalat na sila.

Tawa lang kami nang tawa. Si Shanaia, ayaw isaboy yung petals, nagmamaktol naman si Julie, si Donnalee naman, tumakbo papunta sa Nangnang nito, kay Babe. Ang ending, yung panganay na anak na lang nina Kuya Francis at Ate Monica, si Suzy ang natira. May isip na kasi at matangkad para sa 10-year-old.

Ring bearer namin ang bunsong kapatid ni Tanya. Pamangkin naman ni Babe sa tiyuhin ang coin bearer at pamangkin ni Ize ang cute na cute na bible bearer. Pinagkaguluhan kahapon ang 6-year-old na cutie.

Makalipas ng ilang minuto, nabawasan na ang kaba ko.

Hindi pa daw kasi tapos ayusan si Babe, at ayaw din ipakita ni Sab ang hitsura niya. Buti nga at may mga tao naman siyang kasama, nasasabik na akong makita ang mahal ko. Napangiti ako sa naisip ko.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon