CHAPTER 11 (First Goodbye)

22 2 0
                                    

*Miles*

Kinakabog ang dibdib ko. Hindi pa rin kumakalma kaya naman hinila ko na si Babe paakyat ng kwarto at iniwan namin sila sa baba na nagkakagulo.

Isang malaking eskandalo ang ginawa niya di lang para sa aming dalawa kundi para na rin sa team nila. Tahimik lang siya nung pinili naming mag-usap sa itaas na balcony ilang hakbang mula sa kwarto niya.

Saglit kong pinahupa ang nerbiyos ko at naglakad-lakad paikot, nung siguro nahihilo na siya sa akin, hinawakan na ako sa braso.
“Babe, tama na nga, di naman talaga ako totoong buntis eh,”

“Paano ka nakakasiguro?” bumabalik na naman ang lagabog ng dibdib ko.

Hindi sa takot ako sa responsibilidad, ang iniisip ko yung kalagayan niya, yung anxiety niya at yung pressure kapag nagkataon lalo't pareho pa kaming 'di stable.

“Nagte-take ako ng contraceptive, maniwala ka,”

Gustuhin ko mang kumalma, di ko pa talaga magawa. Nawala ang kalasingan ko dahil sa balita niya.

“Babe,” pinigil na niya ulit ako nung nagsimula na naman akong magpaikot-ikot ng lakad. “It was just a prank, For Pete's sake! It's just a damn joke!”

“Mukha bang joke lang yun sa 'yo? Babe, hindi magandang biro yun, alam mo ba yun? Nataranta ang lahat nang dahil sa sinabi mo, ikaw ba, matutuwa ka kapag nagbiro akong may ibang babae akong nabuntis, di ba magagalit ka?” napalakas na ang boses ko kaya napaatras siya.

“Eh ba't ka nagagalit, hindi ko naman intensyong....sorry na, I didn't mean to scare you,” nagsimulang manginig ang mga labi niya pati boses niya. “I didn't mean to treat you like this, I thought it would be...” nag-umpisang mamasa ang mga mata niya at yumuko na.

Humugot ako ng malalim na hininga at lumapit saka siya hinila. “Next time, 'wag ka nang magbiro ng tungkol dun, hindi kasi maganda, tsaka...”

Humagulgol na siya. Napabuntong hininga na lang tuloy ako at niyakap siya. “Tahan na, di na ako galit,” saka ko hinimas ang likod niya.

Maya-maya ay tumigil na rin siya at natahimik kami ng ilang minuto. Saka ko siya niyayang maupo sa mga nakaabang na lounge chair malapit sa railing.

Kumandong siya sa akin habang yakap ko siya sa baywang. Nakatanaw lang kami sa mapayapang langit na pinaliliwanag ng kalat-kalat na mga tala at mapusyaw na sinag ng buwan, nagpapalipas ng oras at ng amats ko.

“Paano mo nalaman na buntis si Elise, sinabi niya ba sa 'yo?” tanong ko makalipas ng ilang minutong katahimikan namin.

“Sab called me the other day, I didn't know that Elise was already there, she came clean that she missed her period last month, so she took pregnancy test kits thrice, in Sab's bathroom, we asked her who the father is, she didn't tell us directly, but we knew it wasn't Benny,”

“Akala ko ba magka-MU sila? Sila na ba?”

“Yun din ang alam ko, tapos may iba pala siya, nagalit din kaya ako sa kanya kasi ang laki ng respeto sa kanya ni Benny eh, tapos gaganunin niya lang,”

Napabuntong hininga na lang ako. Wala ako sa lugar para magsalita pero, ang laking suntok sa pagkalalaki nun.

“'Asan na siya ngayon?”

“Nasa kanila, sinamahan namin ni Sab, akala ko nga di siya papapasukin kasi di ba, may rift sila ng mom niya. Tapos hinintay namin na sabihin niya yung totoo, nagalit yun mom niya at pinagsisigawan siya, nandun pa kami ni Sab ah, siguro kung wala kami dun, baka kung ano nang nagawa ng mom niya sa kanya.”

“Kawawa naman,”

“I know it sounds callous but, she deserved it,”

“Ang sama mo naman, di naman niya siguro sinadya yun,” sinundot ko siya sa baywang.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon