CHAPTER 19 (Adulting)

39 4 0
                                    

*Miles*

Pagod at inaantok na.

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa bibig ko habang nakatitig sa kisame.

Saka ko sinilip ang katabi at kayakap ko. Isang malapad na ngiti ang kusang gumuhit sa labi ko. Pinagod ko siya kanina, nagtatampo kasi ilang gabi ko rin siyang di napapansin at nadidiligan.

Pilyong ngumiti ang isang parte ng pagkatao ko. Halos parang mag-asawa na rin kami, nagsasama sa iisang bubong, inaasikaso ang isa't isa at ito nga, nagmamahalan sa dilim.

Ang totoo niyan, mas gusto niyang maliwanag, mas kita niya ang mukha ko, mas ramdam niya ang paglalambing ko. Di naman sa pagmamayabang pero lagi siyang knock down kapag naglalambing ako.

Hinihila na rin ako ng antok, kaso parang nasanay na ang katawan, hinagilap ng kamay ko ang phone ko.

Hinagis niya kung saan dito sa gilid ng sofa. Umusod ako at pilit kinapa ang phone ko, di ko magawang lumikot kasi baka magising si Babe. Dahan-dahan akong pumihit at naabot na rin ang hinahanap ko. Nakasiksik na masyado.

May mga missed called ako at SMS. Binasa ko yung message, papikit na sana ako kaso nabasa ko yung sender. Napadilat ako bigla at nataranta.

“Babe, Babe,” inalog ko ang balikat niya. “Gising muna, lipat ka sa kwarto,”

Umungot siya at nagpungas-pungas tsaka nakatulog ulit.

“Babe, pupunta si Kuya Vincent dito, lipat ka muna,”

“Ha?”

“Lika, lipat ka sa kama,” kaya nung wala pa siyang balak tumayo agad, itinayo ko at itinutulak ko na papunta sa kwarto.

“Babe, yung kalat natin,”

Saka ko inilibot ang tingin. Put*, makalat nga.

“Ako nang bahala, dun ka na,” dinampot ko ang shirt ko pati ang kurbata ko sa sahig, pati bra niya at yung wipes.

Kinuha niya sa kamay ko yung wipes at pinunasan yung armrest ng sofa, tapos nag-spray ng deodorizer. Buti tinulungan niya akong magtago ng bakas ng ginawa namin.

“Sa'n na ba siya banda?” pinunasan niya ng basang basahan ang sahig. May bakat pa nangyari sa 'min kanina.

“Di ko alam,”

Sabay pa kaming napalingon nung tumunog ang door bell.

Patay nandito na si kuya!

Lalo kaming nagmadali. Ibinato ko kay Babe yung mga damit na hawak ko na nakabalunbon sa kumot na ginamit namin.

Ibinato naman niya pabalik yung deodorizer. “Mag-spray ka sa buong bahay,” tapos tumakbo na siya papuntang kitchen.

Ginawa ko naman, sa taranta ko, muntik ko pang mabitawan ang phone ko. Tumatawag na naman si kuya. “Hello, Kuya Vincent,” napatikhim muna ako.

Sumilip si Babe tapos itinuro niya yung ibabang parte ko.

“Mag-pants ka!” bulong niya sabay abot sa jogger na nakuha niya sa sampayan.

“Bakit di ka sumasagot? Busy ka ba?”

“Ah,” tumawa lang ako kasi ang awkward.

“Hindi naman, ano, naka-mute kasi kanina nasa meeting ako, di ko lang naibalik agad,” habang nagsusuot ako ng pants.

“Andito ako sa harap ng unit n'yo, 8024, di ba?”

“Oo, kuya, ah wait lang, nasa banyo kasi ako eh,” tapos senenyasan ako ni Babe, pinapapasok ko na siya sa loob ng kwarto. Binaba na ni kuya ang tawag.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon