CHAPTER 15 (Hell Week Break)

11 2 0
                                    

*Miles*

Ang sakit ng ulo ko. 

Bahagya kong inihilig sa backrest ng recliner ang ulo ko sabay buntong hininga. Natapos ko rin. Ilang linggo ko rin pinagpuyatan yung term papers ko at group project namin. Ako kasi ang ginawang leader. 

Ang dami pang freeloaders, pero okay lang, nagbigay naman sa ambagan namin. Tapos group report pa sa Lunes, kahit via Zoom lang, nakakanerbiyos pa rin. 

Nag-inat ako ng braso at kinusot ang mga mata ko. Nababad din ako nang matagal sa blue light kaya need kong ipahinga. Buti weekend na at wala kaming online class ngayon. Sa wakas! Two days akong magtutulog at babawi ng pahinga. 

Tiniklop ko yung laptop ko at isa-isang niligpit ang mga gamit ko sa ibabaw ng study table. Yung mga ballpen ko pati yung drafting pencils ko. Itinabi ko rin yung ginawa kong blueprint draft para sa major subject namin. Pasakit talaga ang engineering kahit mga minor subjects namin.

Tama nga yung sabi nila, sa una ka lang magiging excited, puro solving problems at numero, nakakasabog ng utak at di lang yun, magsisimula kang magtanong at magduda sa mga stock knowledge na na-acquired mo mula elementary hanggang high school. 

Grabe kahit ako, nahihirapan sa mga math problems at critical analysis ng mga subjects namin kahit sanay na ako sa strand ko dating STEM. Nakakakorta at nakakamanhid na mag-isip. 

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko naisipang tumayo at napahimas ng tiyan. Sa sobrang tutok ko at kagustuhang matapos ko agad ang mga school works ko, nakakaligtaan ko nang kumain. 

Kumakalam na ang sikmura ko, nagwewelga na ang mga bulate ko. 

Pero bago yun, balak ko munang sumaglit sa CR, lumabas ako ng kwarto at napatingin sa labas, umuulan pala, di ko napansin. Hinanap ko ang kasama ko sa bahay kaso di ko makita. Nasa balcony siguro, nagsasamsam ng sampay namin. 

Kusa nang humakbang ang mga paa ko patungong kusina at dumiretso sa CR. 

Ang bilis ng panahon, parang kailan lang, high school lang ako. Ngayon, sophomore college stude na at kung papalarin makapasa sa finals this May, incoming third year na this school year, isa't kalahating buwan pa. 

Parang na-missed ko tuloy kahit tambak din ako ng work loads nun. Dapat nga, sanay na ako dahil mula pa junior high, na-trained na akong humawak ng mga workload or maging multi-tasking, put*, nung dumating na yung mga school works namin, yung dating school projects namin nung senior high, assignment lang sa college.

Yung tipong two to three weeks ang palugit, two days lang paminsan, seat work lang namin sa isang subject, tapos kamalas-malasan, sabay-sabay pa sila magpa-assignment. Partida, ginawa pa nila akong officer ng batch namin. 

Di naman ako makatanggi kasi nakita nila yung credentials ko as active school paper club member, tapos nahiritan pa akong mag-choreo sa PE2 namin last year. 

Tang in* talaga. 

This 2nd term, basketball naman, may liga pa kami. Ang daming activities sa school. Good luck sa full F2F.

Napakamot na lang talaga akong malala, habang nakatingin sa salamin. Napahimas din ako sa pisngi at baba ko. May malabalahibong pusa na bigote at balbas ang tumutubo sa akin. Sa bagay, uso naman yung caveman look kasi pandemic. 

Magshe-shave ba ako o hindi? 

“Maiksi pa naman eh,” usal ko tapos pumunta na sa toilet. 

Matapos yung business ko sa kubeta, naghugas ako ng kamay at lumabas na. Tumingin ng mga raw ingredients sa loob ng ref at sa cupboard. Ang konti na ng food stocks namin. Kailangan na naming mag-grocery ulit. 

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon