*Miles*
Heto na, wala nang atrasan.
Matapos kong ma-processed ang ilang mahahalagang dokumento sa OWWA at papeles ko sa immigration at maging tungkol sa annulment case namin ng asawa ko, naisipan ko nang kunin ang ilang importanteng gamit ko sa unit namin. Kaso hinihintay ko pa ang go signal niya.
Nakahanap kasi ako ng pansamantalang boarding house na malapit sa work ko. Pero naisip ko na ring ayusin ang mga gamit ko, lalo na yung mga kailangan ko, lalo't malapit na ang lipad ko.
Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa amin ni Reina kaya magtataka yun kung bakit dun ko itatambak ang mga gamit ko kaya nakiusap na ako kay Kuya Vincent na dun muna sa kanila yung iba, kasi para wala nang masyadong paliwanagan, lalo na kay Tita Becky.
Masyado kasing matanong, hindi ko na rin kasi minsan masagot. Palagi akong pinagsasabihan ni tita na kastiguhin at higpitan ko ang asawa ko lalo na't may mga barkadang lalaki.
Sa loob-loob ko, kahit naman higpitan ko at paalalahanan, hindi naman nakikinig sa akin ang asawa ko. Ginagawa niya pa rin kahit na labag sa loob ko.
Siguro nga kaya nangyari ito dahil masyado rin akong maluwag sa kanya. Na masyado ko siyang pinamihasa. Kaya naman inabuso niya.
Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa malaking bintana ng boarding house. Walang balcony pero may malaking overlooking na bay window at dito ko napiling magpalipas ng oras. Nakamasid lang sa labas habang nakaupo sa malapad na window sill.
Sa tuwing naiisip ko na talagang maghihiwalay na kami, nanlalata ako. Hindi ko inaasahang mararamdaman ko ito at nung araw na pinirmahan niya ang annulment papers namin, umasa ako.
Alam kong katangahan pero umasa akong aapela pa siya. Walang kaabog-abog niyang pinirmahan, maski yung attorney ko, nagulat.
Iniwan niya kaming lahat dun sa mesa kung saan kami nagkasundong magkita.
Pagkapirma niya, tumayo na siya at naglakad palayo, wala man lang sinabing kondisyon, ni hindi na nga binasa ang papel. Sa isip-isip ko, ganun lang siya kadaling...
Inaasahan ko, mahihirapan ako, hindi ko lang inaasahan na papayag agad siya.
Malamang, napagod na talaga siya. Hindi siya galit o di na nagtanong. Umalis na lang siya at napako ang tingin ko sa likod niya.
“You ruined her, I hope not to see you again in the next life, because if we did, You better be older than me because I will not hesitate to punch you in the face if I meet you in the street, I will destroy you in tenfold, Miles Morales.”
Tsaka umalis ang tita niya. Hindi na rin umimik ang abogado niya at sumunod na rin sa dalawang babae.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, hindi ko magawang matuwa, hindi ko magawang magdiwang habang siya, nalulungkot.
Napayuko na lang ako habang dinudukot ang singsing sa bulsa ko. Ayokong maalala pa ang mga ginawa ko pero hindi ko maiwasang isipin pa rin ang mga pangako namin sa isa't isa.
Sumira ako sa pangako, hindi ko napanindigan. May karapatan siyang manumbat dahil ako yung unang bumitaw.
Ako yung naunang umalis. Ako yung lumimot, ako yung taong dumurog ng puso niya.
Hindi ko malimutan ang mga nakaraang araw na wala akong ginawa kundi hanapin siya sa lahat ng mga lugar na madalas naming puntahan noon, inaaliw ang sarili ko, baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. Akala ko talaga kaya kong labanan pero, dinadala pa rin ako ng mga paa ko sa lugar kung saan kami naging masaya.
Hindi ko maiwasang matanong sa sarili ko. Tama ba ang ginawa ko?
Bakas pa rin sa isip ko ang mga nakaraan namin. Ang una naming halik, maging ang una naming pagtatalik, kahit ang unang araw na nagsama na kami. Parang kailan lang pero ngayon, tila napakatagal nang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Sunset in Paradise
General Fiction"Hindi sapat na mahal ka lang at mahal mo siya para masabi mong kayo ang para sa isa't isa." The couple that has been through thick and thin, survived tides high and low, is considered unbreakable. Miles and Reina are the best examples of that. Th...
