CHAPTER 1 (Miles)

79 3 2
                                    


Saan nga ba nagsimula?

Hindi ko alam kung paano at kailan ako eksaktong nahulog sa kanya.

Basta bigla ko na lang naramdaman. Yung tipong di sinasadya pero bigla na lang dumating na walang paalam.

Hindi ko rin maalala kong kailan ako nakaramdam ng ganito, kung kailan ako huling nagpahalaga sa isang tao, pero nung makilala ko siya, may kung anong bumalot sa pagkatao ko. Parang isang mahika o isang di maipaliwanag na pwersa ang nagtutulak sa akin na lapitan at kilalanin siya.

Ang corny pakinggan pero, mukha ngang tinamaan ako ng pana ni kupido nung oras na masilayan ko ang mukha niya noong bago pa lang siya sa SLJA.

Naaalala ko, may mga bangas pa siya noon, astigin na talaga siya noon pa man at sobrang ang hirap niyang abutin. Langit at lupa kaming dalawa.

Buwan siya na di ko kayang maabot. Siya yung taong masasabi kong sa mga teleserye at movie ko lang madalas mapanood. Sobrang makulay ang pagkatao niya na hindi kayang i-describe ng ilang salita ng paglalarawan. Kulang ang mga salita para ilarawan siya.

Hindi ko siya kayang ikumpara sa ibang taong nakilala ko. Para siyang bida sa isang palabas na madalas may maaksyon at madramang kwento.

Siya yung tipong bida na hindi nagpapatalo, matigas ang ulo at sobrang pasaway. Pero sa kabila ng mga pambihirang ugali, mas nakita ko ang mga magagandang katangian niya. Mga katangiang may kasalungat rin kapag may topak.

Mapagkumbaba kahit minsan may kayabangan, mapagbigay kahit minsan maramot magpatawad, maaalahanin kahit minsan hindi namamansin, mabait kahit minsan ang sama ng ugali.

Siya yung natatanging babae na kayang ipakita ang mga iyon sa iba't ibang taong nakakasalamuha niya. At lahat ng iyon, nasaksihan ko mismo. Kaya mas lumalim ang pagkagusto ko sa kanya.

Siya yung tipong may dalawang katauhan sa iisang katawan at kahit na ang daming nagsasabing hindi kami talo, dahil nga, galing siya sa alta sociedad at ako, hamak na pobre lang, hindi ko pinakinggan at nagpatuloy sa paghanga at pagmamasid sa kanya mula sa malayo.

Siguro nga, mas lamang ang estado niya sa lipunan pero, ang masasabi ko na lang, mayaman naman ako sa pagmamahal.

Binusog ng pag-ibig galing sa pamilya ko at mga kaibigan kaya naman, ito lang ang maiiaalay ko sa kanya.

Hindi ko rin lubos maisip na darating ang araw na papansinin niya ako. Mula sa pasimpleng pasunod-sunod ko sa kanya tuwing uwian, mga ligaw-tingin at pasulyap-sulyap ko sa tuwing nakakasalubong sa hallway ng school namin, mga biglaang pagsulpot ko sa tuwing kailangan niya ng tulong o ng kausap. Basta kinailangan niya ako, 'andyan agad ako. Kasi nga patay na patay ako sa kanya.

Napaisip na rin ako dati na papuntang stalker na ako at baliw na fan boy. Posible pero ganito na talaga siguro iyon kapag in love ang isang tao. Gagawin ang lahat para sa taong nagpapatibok ng puso kahit pa minsan, masakit na at magmukhang tanga na ako.

Nung mga panahon na yun, di ko pa kasi nararanasan yung ganitong feeling. Yung makita ko lang siyang nakangiti, masaya at walang problema, buo na ang araw ko.

Naaalala ko pa dati, nung una niya akong kausapin, tandang tanda ko yun, sa elevator, nung niyaya niya akong mag-milk tea. Tapos libre pa niya. Yung natirang sukli, hindi na niya kinuha para naman pakonswelo sa trato sa akin ng kliyente ko noong araw na yun.

Naulit pa yun, hanggang sa naging palagay na siya sa akin. Nung school prom namin, kasama ko siya buong magdamag, bigla kasi siyang nagyaya, nagulat ako dahil ako ang napili niyang isama sa trip niya.

Namasyal kami sa kahabaan ng Makati night circle papuntang Rockwell hanggang sa mapadpad kami sa Marikina, malapit sa dati naming bahay. Doon kami nagpalipas ng oras at hinintay ang umaga.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon