CHAPTER 3 (Cohabitation)

23 4 2
                                    

*Miles*

Ready na ang lahat. Sa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay namin.

Lilipat na kami at bubukod. Kaming dalawa ng girlfriend ko.

Nagbababa ako ng mga gamit ko, isinasakay ko sa likod ng pickup ko at agad kinuha iyong buhat na gym bag ni Babe habang papalapit sa likod ng sasakyan ko.

“Ako na yan, pahinga ka na muna, kanina ka pa akyat-panaog,”

“Okay lang, early training ko na rin 'to,” tumayo siya nang tuwid at namaywang.

“Kaunti na lang naman eh, ilan na lang ba yung naiwan sa taas?” tanong ko sa kanya kasi siya yung huling bumaba sa unit namin sa fourth floor.

“Alam ko, dalawang bag na lang tsaka yung box mo sa kwarto mo,”

Nagulat kaming pareho nung ibinaba ni Kuya Vincent sa gilid ni Babe yung dalawang eco-bag ng mga damit ko at yung pinaglagyan ko ng mga libro at school papers ko.

“Kuya,” usal ko sa pagbawi ng gulat.

“Akyat muna kayo, kakausapin ko pa kayo,” tanging salitang sinabi ni kuya bago tumalikod sa aming dalawa.

“Babe, tayo bang dalawa ang ibig sabihin nun?” paninigurado niya.

“Oo, tayong dalawa.”

“Bakit kasama ako? Ikaw na lang,”

Napatingin ako sa kanya at natawa. “Kailan ka pa natakot sa kuya ko?”

“Eh, baka kasi magkasagutan na naman kami, kilala mo naman ako di ba?”

“Wag ka na kasing masyadong sumagot sa kanya, tara, akyat tayo saglit.”

Hinila ko na siya at sinundan si kuya sa taas. Nung pagpasok namin sa bahay, naabutan namin na may kausap si Kuya Vincent sa phone sa bandang balcony.

Kaya nauna na kaming naupo sa may sala. Panay ang kalabit niya sa akin. Tapos sisikuhin ako kapag di ko pinapansin.

“Aray ko naman, Babe,” mahinang saway ko sa kanya.

“Alis na tayo, tara na.”

“Mamaya, magpapaalam pa tayo sa kuya ko,”

“Babe, tara na,”

“Mamaya na, stay put ka lang dyan,”

Isang malakas na tikhim ang nagpatigil sa aming dalawa. Napalingon kami pareho sa nakakunot na noo ni kuya.

Kaya umayos na lang kami ng upo habang pinili ni kuya na maupo sa gilid na sofa chair malapit sa kinauupuan namin.

Sumeryoso at tumingin sa aming dalawa. Napatingin din kami ni Babe sa isa't isa.

“Naayos na ba ang lahat ng papers n'yo? Wala na kayong nakalimutan?” paunang tanong ni Kuya Vincent.

Nagkatinginan ulit kami at nagtutulakan kung sinong sasagot. So ako na lang.

“Ah... Oo kuya, naayos na namin, tinulungan kami ng tita ni... Ni Babe, si Tita Theresa,”

Ngumisi si Kuya Vincent na parang naiinis. "Kinunsinti pa talaga ang kalokohan n'yo,” tapos bumulong.

Lumunok na lang ako nang malalim at pinigil ang mag-uumpisa na namang hidwaan sa pagitan ng kuya ko at girlfriend ko. Ganyan talaga sila eh, di talaga magkasundo.

“Uupakan ko talaga 'yang kuya mo,” asar na bulong niya sa akin.

“Hayaan mo na lang, 'wag ka na sumabat,” pag-aalo ko.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon