PREFACE

77 4 0
                                    

"But even the sun sets in paradise,"
Maroon 5 - Payphone

*****

That line inspired me for the title, I'm really enthusiastic about making another book for Miles and Reina, the previous was Queen of Damn, which of course, I made a couple of years back and recently finished. And after that, I promise myself I will do a sequel concentrating on their love story.

Because I am a self-proclaimed eccentric and 'wala sa hulog', ayun, medyo nauna ko silang bigyan ng pansin. Hahaha may favoritism. Actually, before I thought of making PSS, (Phantom Society Series) this story already came into my mind like, I just need to write a continuation book about them after the last scene in QOD.

Medyo napaaga lang kasi hindi talaga ako pinapatahimik eh, they kept bugging my peace. I dunno, probably because I still couldn't get over to their kilig and funny moments that I couldn't just let go of them just yet.  So here we go again. Doing another escape from the current time and reality into another world.

I'm self-indulgent in my incurable vice. Procrastination hahaha. Well, at least, I'm keeping myself busy. Don't worry, darating din ako sa puntong magsasawa din ako at baka ipahinga ko rin 'to, I'm just savoring the energy and the inspiration I am having right now.

Medyo inspired lang talaga ako gumawa ng book, can you forgive me for being spontaneous? I don't know if that's a good trait but that's me. Hahaha magulo ang utak at kung anong maisip, gagawin.

Well, share ko lang, sa sobrang inspired ako nitong mga nakaraang araw, nakagawa ako ng tula, hahaha di ko alam kung okay kasi di talaga ako marunong, pinagtugma-tugma ko lang at pinagkatuwaan. Well, dati naman kasi gumagawa na ako nito, sa school nga lang, not as a hobby.

Inspired din ito sa story ko so, makakahanap din kaya ng clue tungkol sa story. Pinanganak talaga akong spoiler eh. 😁

I extracted the title from the story title itself but also to describe the story so, hahaha pagpasensyahan n'yo na ang ka-corny-han ko.

Paraiso

Kamusta ka? Mahal ko,
Maari ba tayong huminto?  
Dahil may tanong ako sa 'yo,
Pakiusap lang, sabihin ang totoo

Nagkulang ba ako o
Sadyang naubos lang
Ang pasensya't pagmamahal mo
Para sa akin? 

Di ko rin alam, kung ako ang nagkamali
O baka naman may nasabi 
Na di mo kayang patawarin
Pakiusap, ako'y kausapin

Nasa'n na ba mga alaala
Nung tayo kapwa masaya pa? 
Naglalambingan at nagkakasiyahan
Wala na ba talaga, ang ating pinagsamahan
Iiwan mo na ba talaga ako? 
Nasa'n ka na? Nasa'n na ba tayo? 

Anong dapat kong gawin, para di mo sukuan
Ang pangakong sumpaan
Na tayo lang ang para sa isa't isa
At ang huling hantungan ng isa't isa
Malabo na ba talaga? 

O pwede pa bang ayusin? 
Sige, pag-usapan natin 
Baka naman pwede pang balikan
Mga sandaling maligalig at puno ng suliranin
May hatid na luha at dusa

Sana 'wag naman nating tahakin
Ang magkaibang landasin 
Di na ba kayang patawarin
Sana 'wag mo akong lisanin

Nasa'n na ba mga alaala
Nung tayo kapwa masaya pa? 
Naglalambingan at nagkakasiyahan
Wala na ba talaga, ang ating pinagsamahan

Iiwan mo na ba talaga ako? 
Nasa'n ka na? Nasa'n na ba tayo? 

Anong gagawin ko para 'wag lumaya
Sa pangako natin sa dambana
Na tayo lang ang para sa isa't isa
At ang hangganan ng isa't isa

Mahal, pakinggan mo, 
Ako'y sumasamo
dinggin ang aking puso 
Wala na ba tayo, sa paraiso? 

Wala na ba ang ating pangako
Na tayo pa rin hanggang dulo?

So, ayun, hahaha k, thank, bye 🥴😝🤪.

PS: same as always, may playlist ako for this book, paskil ko sa baba ng bawat chapter, wala lang naman, di ko kayo pipilitin pakinggan basta feel ko lang ilagay sila dahil inspired nga ako hahaha.

PPS: thank you sa isang friend ko na nag-suggest na isulat ko na 'to, hahaha you know who you are.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon