CHAPTER 30 (Lost Boy)

49 5 2
                                    

*Miles*

Late na naman siyang umuwi kagabi.

Over time na naman siya. Parati na lang ganito, lagi na lang gabing gabi ang uwi niya.

Hindi ko siya masisi, siguro mas gugustuhin niyang magtrabaho kaysa makita at makasama ang inutil niyang asawa.

Napapansin ko rin na iniiwasan na niya ako. Sa tuwing may itatanong ako o kahit may sasabihin ako, tumatalikod agad siya at laging bukambibig na pagod siya.

Di ko na lang masyadong dinadamdam at hinahayaan ko na lang. Baka nga pagod lang siya talaga. At alam ko naman kung bakit.

Pabigat na ako sa kanya. Mahirap man at gustuhin ko mang itatanggi pero talagang nabibigatan na siya sa pagdadala ng responsibilidad na dapat sa akin nakaatang.

Kaya nga kahit nasasaktan na ako sa pag-iwas at minsan sa pagtanggi niya kapag nagtatabi kami sa kama, hinahayaan ko na lang. Kahit na minsan, nakakasakit na sa ego ko.

Gusto ko lang naman siyang yakapin, yung lang, di naman ibig sabihin nun, gusto ko ng lambing. Kahit mula nung nawalan ako ng trabaho, na-scammed at na-depressed, iilang beses ko na lang siya nakakatabi sa gabi. Okay lang, tanggap ko, kasi kasalanan ko.

Okay lang kahit minsan, masakit na. Kahit minsan, nakakalalaki na.

Minsan iniisip ko na lang na parusa ko 'to dahil hindi ako nakinig sa kanya, na hindi ko siya kinausap tungkol sa investment na yun na scam pala. Di sana, hindi kami ganito. Sana hindi na lang ako naniwala, sana hindi na lang ako umasa.

Kaya kahit parang sobrang sakit na, tinatanggap ko lang, kasi mali ko.

Kasi tanga ako.

Kasi hindi ako nag-isip, kasi hindi ko siya inisip. Sinarili ko ang desisyon.

Naging makasarili ako at tama siya. Sa huli, siya pa rin ang tama. Lagi talagang huli ang pagsisisi.

Pilit kong ginigising ang sarili ko, pinipilit ko namang bumangon, sadyang hindi ko lang talaga kayang mapatawad ang sarili ko.
Hindi pa sa ngayon. At sa di sinasadyang pagkakataon, natauhan na lang ako bigla.

Yung taong iniingatan ko at minahal ko, unti-unti nang naglalaho at nagbabago.

Si Reina, alam naman niya ang pinagdadaaanan ko, nandun ako nung siya ang nalulunod. Nandun ako nung kailangan niya ako kahit pa pinagtutulakan niya ako palayo.

Nandun ako at hindi ko siya iniwan. Ngunit iba na nung ako na ang may kailangan, nung ako na ang nalulunod, nung ako na ang di makabangon, parang hindi ko na siya maramdaman. Parang nanlamig na siya at parang hindi na ito ang dati naming tahanan na puno ng init ng pagmamahal at pagkalinga.

Nagbago na siya.

Oo, aaminin ko, nagkamali ako, pero hindi ibig sabihin nun na nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Oo, aaminin ko, napabayaan ko siya at siguro nga nawala ako, pero hindi ibig sabihin nun na tatalikuran ko na siya.

Bakit biglang nagbago na ang lahat, nung ako na ang nagkamali?

Dala-dala ko yun habang naglilinis ako ng kwarto. Wala na rin naman akong magawa, nababagot na rin ako sa araw-araw na laging walang nangyayari sa buhay ko.

Nasa pagtatanggal ako ng mga laman ng bulsa ng damit nang may madukot ako na papel sa bulsa ng palda ng asawa ko. Nagtaka ako kasi may card siya ng isang motel at isang business card.

Medyo kinabahan ako pero di ko masyadong inisip. Baka naman kasi hindi sa kanya yun.

Hinayaan ko na lang at ipinagpatuloy ko ang pamumulsa pero tinapunan ko pa rin ng tingin ang card na nakuha ko. Itinago ko na lang, itatanong ko na lang kapag nagkaroon ako ng pagkakataon.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon