Photographic Memories

47 2 3
                                    


SLJA wouldn't be a school today if weren't for Justin's stepfather, Donato and his wealth.
He must be thankful and feel blessed, but at an early age, he already knows he can't live up to his parents' dream for him.

Then there's Francis, who's ever been a pliant and meek boy, the good from the two boys of Evelyn. Having a brother like Justin is a blessing and a curse for him. One good thing of having his brother is a confidant yet the teaser too. Also, having him around is always a competition.

Monica is a charity case. She was left by her parents destitute and with a brother to take care of. Trying to escape her misery, she acts and pretends to be tough and bullies others, including Francis and his comrade Aston whom she sees as weak and nerd.

And befriended Anastascia, the ice queen running for student president of the campus. She is the ideal student with remarkable grades and a pleasing personality she is definitely, the Queen Bee. But this queen is not happy at all.

Together with their bunch of friends and crushes on the side, join this circle as they explore their teenage lives and navigate their way to their personal goals.

Ang buhay mula sa nakaraan, balikan at maaliw sa makulay na kwento ng pausbong na pag-ibig, tagumpay at kabiguan.

***********
‡Prologue‡

Bagot na bagot habang naglalakad sa kahabaan ng hallway si Justin at humikab pa saka tinanaw ang di kalayuang mga estudyante sa quadrangle na campus.

Nasa unang araw kasi ng klase ng mga incoming freshman habang siya naman, nasa ikaapat na taon na, huling taon na pala niya. Ngunit sa isip niya, parang wala namang naging maganda sa nakalipas na tatlong taon niya sa eskwelahang pang-sekondarya.

Parang mga puppet lang sila na sumusunod sa takbo ng panahon at sa kagustuhan ng mas nakakatanda. 'Gawin mo yun, gawin mo yan,' kasi ang mga iyon daw ang makakabuti sa kanya at sa kapakanan niya.

Parang hindi niya na-enjoy ang buhay high school niya dahil marami siyang kailangang pasayahin at hindi dapat biguin.

Lalo siyang tinamad at napabuntong hininga nang malalim.

Simple lang naman ang gusto niya sa buhay, ang magkaroon ng sariling desisyon sa lahat ng bagay na gagawin at gusto niya.

Saglit na dumako ang atensyon niya sa tumutunog na cellphone niya. Dinukot niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang qwerty phone saka binasa ang SMS. Natawa siya sa mensahe at nabuhayan saka naglakad paliko, patungo sa malawak na quadrangle.

“Unang araw pala ni Kiko, maasar nga,” mutawi niya habang naglalakad at inisang talon ang nakaharang na island sa gitna na taniman ng namumulaklak na halaman.

Hindi niya alintana kung sumabit ang chequered pants niya sa matinik na sanga ng halaman basta makatawid lang nang mabilisan. Ayaw na niyang alalahanin ang looks niya kahit ngayon lang, nakakapagod din palang mangpanggap at maging isang role model ng buong klase nila.

Sumilip siya mula sa mga nakatayong estudyante, may katangkaran naman siya kaya di mahirap sa kanya na mahanap ang bunsong kapatid sa ina.

Nakilala agad niya ang likuran at ang bag ng binata at natawa. Siya kasi ang pumili nun para sa kapatid nung namimili sila sa mall.

“Ang totoy talaga Kiko,” natatawang usal niya habang pinapanood mula sa malayo ang kapatid na parang naliligaw.

Gaya ng madalas na pormahan ng kapatid niya, naka-thick reading glasses, may astigmatism kasi ang kapatid niya mula pa bata. Plantsadong uniporme na katulad sa kanya at may patch sa bulsa sa kaliwang dibdib ng suot na puting polo. Maski yung pants na katulad din sa kanya, may linya pa sa gitna na dahil sa pamamaraan ng pagplantsa. Si Nanay Beth kasi ang taga-ayos ng uniporme nila at taga-plantsa.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon