*Miles*
“Babe,” tinig niya mula sa loob ng banyo.
Napalingon ako at napahinto sa paghahanap sa cupboard sa tapat ng kitchen sink. “Bakit?”
“May toothpaste pa ba tayo?” lumabas siya bitbit ang toothbrush at yung walang laman na toothpaste tube. “Wala na 'to oh,”
Di ko maiwasang tingnan siya nang maige. Nakapantulog pa rin siya kahit pasado alas dose na ng tanghali at may nakasampay na towel sa balikat.
“Tingnan mo sa cabinet, alam ko meron pang isa sa stock natin,” saka ako nagpatuloy sa ginagawa ko.
Narinig ko ang paglakad niya at pagbukas ng cabinet. Naghalukay at inilabas ang mga laman tsaka nakita ang hinahanap. Saka naman lumakad papunta sa banyo.
Ako naman, inilabas ang mga basyo ng cleaning agents, fabric conditioner at liquid detergents na wala nang laman. “Babe,” ako naman ang tumawag.
Sumilip siya habang nagsisipilyo.
“Sa'n mo nilagay yung Zonrox? Ikaw ang huling gumamit nun,”
“Andito sa loob ng banyo, gagamitin ko, maglilinis ako,” saka niya idinura ang puting foam sa washstand. “Bakit?”
“Maglalaba sana ako,”
“Later, pagkatapos ko.”
Tumayo na ako at binitbit ang mga basyong nakulekta ko saka napansin ang kalat na iniwan niya sa counter. Napabuntong hininga na lang ako.
Isasabay ko na sana ang basura sa pagtapon nang bigla siyang tumili.
Nabitawan ko tuloy ang bitbit ko ay napatakbo sa banyo. “Bakit? Anong nangyari?”
Kumapit agad siya. “Babe! Ang daming ipis!” at nagtago sa likod ko.
Napalingon ako sa itinuturo niya, nakita ko ang nakatumbang basyo ng bleach at nasasayang. Binuhusan ba naman niya yung drain sink eh, natural, maglalabasan ang mga yun.
Di ko alam kung matatawa ako o maiinis eh. "Para ipis lang, samantalang nangbubugbog ka ng mga gangster dati,”
“Patayin mo na, kadiri,” matinis na tili niya may kasama pang kurot.
Natawa na lang tuloy ako. May kinakatakutan din pala siya. Kinuha ko ang isang pares ng suot kong tsinelas at pinaghahampas isa-isa ang mga ipis. Kapag lumapit sa kanya tumitili eh. Hinihila pa ang suot kong t-shirt.
“Wag mong hilahin ang damit ko,” sita ko sa kanya pero natatawa ako. “Dun ka muna sa labas, kuha ka ng dust pan.”
“Wala ba tayong Baygon?” napapapikit pa habang hinahampas ko yung mga maliliit na Antonio na nakikita ko.
“Wala, naubos na,” may lumipad pa at tatakas, hinuli ko ng kamay at ihagis sa tiles saka inapakan.
“Ehhh, Miles, bakit parang di sila nauubos?”
“Bakit kasi binuhusan mo yung butas?” habang inaapak-apakan ko yung mga tumatakbo sa sahig ng banyo.
“Anong gagawin ko? Anong kukunin ko?”
“Walis tambo at dustpan,”
“Okay,”
Hay naku. Ganito na lang ba parati ang role ko?
Matapos ang ilang minuto, naubos ko rin silang lahat. Winalis ko ang mga patay na ipis at inilagay sa basurahan. Siya naman ang pumalit at nilinis ng tubig na may cleaning solution ang banyo, amoy malinis na ulit. Tapos naligo na siya.
BINABASA MO ANG
Sunset in Paradise
General Fiction"Hindi sapat na mahal ka lang at mahal mo siya para masabi mong kayo ang para sa isa't isa." The couple that has been through thick and thin, survived tides high and low, is considered unbreakable. Miles and Reina are the best examples of that. Th...
