*Miles*
Wala pa ring nagbago sa loob ng nagdaang dalawang linggo. Sinubukan ko na ang lahat, pero maalat ako ngayon.
Tinanong ko at kinamusta ang iba kong mga kaklase, ganun daw talaga, may mga oras na wala talagang pumapasok na project at kung meron man, puro mga small time at mga reconstruction o pagkukumpuni.
Sa DPWH kasi naka-tie up ang ilan sa mga batchmates ko at sa ilang mga government affiliate programs, kung hindi Consunji o DMCI, at ilang mga sikat at higanteng korporasyon ang nagsisirkula sa industriyang ginagalawan ko, mga land developer at realty corporation ang madalas kaagaw namin sa project.
Parang gusto ko na ngang tanggapin ang offer sa akin sa Cebu, magtatagal nga lang ako dun ng ilang buwan, kahit papayag naman ang misis ko, ayoko pa rin. Medyo diskumpiyado pa rin kasi ako kahit nakipag-meet up na ako sa development team ng V&C Builders and Corp.
Ang suspicious kasi na sila ang komuntak sa akin pero di ko rin naman inaalis na posibleng dahil sa nag-top ako sa licensure exam last year. Baka nga totoo ang sinasabi ni Babe, nakikita nila na worthy ako para sa project.
Hinintay ko pa ang confirmation mula sa head namin, kung pwede akong moonlighting gayong wala naman kaming project, ayaw kasing pumayag ng V&C na ka-tie up ang company na pinapasukan ko.
Kaya nga medyo nag-alangan din ako. Gusto nila bilang private contractor nila ako kukunin. Mas okay sana yun kasi malaki ang kickback ko, kaso nakakahiya naman sa company na nag-hire sa akin.
Di naman ako ganun kagahaman tsaka may kontrata ako sa kanila, kaya kahit sana mag-extra lang ako sa V&C habang olats ako sa job order, kaso parang ang sagwa pa rin dahil sa clause ng contract ko na recent ko lang pinirmahan.
So kahit maganda ang offer, hindi pa rin pwede.
Pwede kung magre-resign ako ang magpe-freelance na lang. Makukuha ko yung kontrata kaso paano kapag tapos na? Nganga ulit? Buti kong tuloy-tuloy ang dating ng project.
Ang hirap namang magdesisyon, tang in*.
Napabuga na lang ako ng malalim na buntong hininga habang papasok na ako sa opisina at nag-time in sa biometric. May mga backlog din akong ginagawa dahil sa mga senior ko na tamad gumawa ng building plan, di ko naman sila masisi, CAD na kasi ang madalas na gamit sa pagla-lay-out at floor planning maging sa blueprint.
Nakakainis kasing turuan, may sinasabi pa pagkatapos kong itama ang mga maling calculation nila. Matagal nang estimator at assessor pero minsan sumasablay pa rin sa calculation. Okay, sabi nga nila masyado daw akong OC.
Dapat lang naman dahil kapag nagkamali kami ng compute ng tibay at SOP, buhay ang nakasalalay. Ilang beses ko na rin nakita na substandard ang mga materyales na ginagamit ng construction team sa isang site namin. Pinagalitan pa ako ng senior ko, bakit daw ako nakikialam, pinakita pa ang pirma bilang go signal mula sa taas, nasabihan pa tuloy akong bida-bida.
Bahala sila, tutal matatanda na sila.
Nakakainis lang, por que bago ako, akala nila, kaunti pa lang ang alam ko, ilan na bang construction firm ang napasukan ko? Pangatlo na 'to, at mukhang brasuhan pa rin ang kalakalan. Hay, leche, buti pa sa dati kong company, kahit overworked ako dun, mababait ang mga kasama ko, kahit head namin, nakakainuman ko pa.
Ang liit lang kasi ng sahod at kulang pa sa manpower, medyo kuripot kasi ang may-ari ayaw mag-hired ng employees na sasapat sa demand ng gawa. Dala-dalawa na kasi ang role ko dun, assistant ng head engineer at team leader pa ng development team.
Okay naman, kaya ko naman kaso dun bumagsak ang katawan ko kaya nag-resign ako. Natunugan ko kasing ako ang ipapalit sa nag-resign na junior associate ng construction team. Kapag nangyari yun, kung saan-saan na ang tapon sa akin.
BINABASA MO ANG
Sunset in Paradise
General Fiction"Hindi sapat na mahal ka lang at mahal mo siya para masabi mong kayo ang para sa isa't isa." The couple that has been through thick and thin, survived tides high and low, is considered unbreakable. Miles and Reina are the best examples of that. Th...
