CHAPTER 10 (April Fool's Day)

21 1 0
                                    

*Reina*

It was a hell of a week.

Naging jampacked ang activities namin for our next agenda, even though we were demoralized by the news. Well, the competition that we planned to compete in had announced cancellation early this March. And it was really disappointing.

After eight months of long and continuous training, nauwi lang din sa wala. Excited pa naman kami kasi first ever international league na sana kaso, wala eh, may banta pa rin ng COVID-19 at malala pa rin ang idinulot nitong takot sa mga tao dahil sa epidemiya.

Pero di naman namin masyadong dinamdam, may next year events pa naman. Sana nga sa Sea Games, maging okay na ang lahat. Yung 2020 Summer Olympics nga, nagdedelikado pang di matuloy dahil maraming tumututol.

Anyway, hindi naman kami nawawalan ng pag-asa, kaya tuloy lang ang pagte-train namin kahit parang sumusuko na yung iba. Hindi rin kasi namin masisisi ang mga taong nasa likod ng organisasyon ng patimpalak, talagang lumalala pa ang sitwasyon at hindi pa talaga nakaka-recover ang mundo kahit pa may na-produced nang vaccine.

Dahil karamihan sa amin ay student at kasalukuyang naka-enrolled this year, nag-focus muna kami sa studies namin para mapunan yung mga missed classes at school works na napabayaan na namin.

Nasa pag-aayos ako ng mga gamit ko sa desk ko nung mapansin ang pag-ilaw ng phone ko mula sa holder. Nakalimutan ko na namang ilipat mula sa silent mode to sound ang phone ko.

Napakunot ang noo ko kasi nakailang missed call na pala si Sabrina. “Bakit kaya?”

Kaya tinawagan ko na. “Hello, bakit? May problema ba?”

“Rei, pwede ka bang sumaglit sa labas? Kahit ngayon lang?”

“Oo naman why? Saan tayo magkita?”

“Dito sa bahay, please, need ko lang ng advice at presence mo,”

Nahimigan kong parang may kaba sa tono niya. “Why? Ano bang meron?”

“Basta, Love, punta ka na, ASAP,”

“Okay, I'm on my way,”

Nung nakarating ako sa house ni Sab, mag-aalas tres na ng hapon. Gagabihin na ako kung mapapahaba ang kwentuhan namin. Nung nag-doorbell ako sa gate nila, lumabas agad si Sab at pinapasok ako.

Medyo nagulat pa ako kasi nabungaran ko si Headmaster Ishmael na nakaupo sa sala, nagbabasa ng libro habang may iniinom sa tasang hawak. I bet it was tea since Sab told me that he suffers acid reflux when drinking too much coffee.

I greeted him and he just smiled. “Kamusta ka na, Reina?”

“Okay lang po, Tito Ishmael,” since we graduated, he urged us to call him simply tito.

I guess I've been here twice or thrice and I'm always accompanied by Babe or Benny. I'm still not used to it, calling his name casually.

"To, sa kwarto lang kami,” Sab told him and dragged me along.

He just nudged his head and continued reading.

“Sandali nga,” Literal kasi na kinakaladkad ako ng babaeng ito sa hagdan. “Baka matalisod ako, dahan-dahan naman,”

“Bilis, Love, may problema kasi,”

“Problema?”

Natahimik siya at napatingin sa taas ng hagdan. Napagaya ako at natanaw na nakatayo si Elise gitna. Umiiyak.

“Bes, ano? Ganun pa rin?” nauna na siyang humakbang, kausap si Elise.

Tumango si Elise habang kinukusot ang mga mata. “Sab, anong gagawin ko?” tapos lalong umiyak.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon