CHAPTER 9 (Babe Time)

23 2 0
                                    

*Miles*

Ngayon ko lang talaga na-realize, ang hirap ng sitwasyon ko.

Nung nag-resumed na ang class through virtual learning and modules last October, dun na ako nahirapan pagsabayin ang pag-aaral, work from home at pag-iintindi sa girlfriend kong student-athlete.

Si Babe, medyo na-late lang ng ilang linggo sa akin pero nung mga second at third week ng December at first to second week ng January, talagang nangarag ako, siya naman February kasi first time naming magahol at mag-exam through online. Nakapag-adjust naman kami, kaso nung pumasok na ang second sem, takte, dun nagkadanleche-leche.

Dumating nga ang first anniversary namin na di kami magkasama, nasa training siya sa Baguio, kasi dun maluwag ang restriction, tapos nung mga lumipas na araw, nagkaroon pa kami ng maliit na tampuhan.

Siya naman kasi, ang liit-liit na bagay pinapalaki. Talent na niya talaga yun.

Di ko alam kung bakit laging ang init ng ulo niya tapos di na mamamansin lalo kapag tinotopak ng toyo, ay grabe.

Napapa-iling na lang talaga ako. Minsan na nga lang kami magkasama tapos ganyan pa siya, laging galit. Lalo kapag malapit nang magkaroon.

Thankful din naman ako kahit ganun siya, lalo nung dinatnan siya nung last September, tinapos nun ang ilang linggo naming pag-aalala. Kasi naman, isang linggong straight kaming nag-loving-loving nun.

Tapos nag-aaway kami lagi dahil lang hindi ko agad nasasagot yung text or tawag niya, nagagalit na agad.

Tang in*, siya nga dati, laging seen-zoned nung busy siya sa training. Tapos kapag ako, galit at may iba agad? Ang lakas din talaga ng tama niya minsan eh.

Alam ko naman, gets ko. Yung mga time na lagi siyang naka-off at di makontak noon, kasi intense training yun eh, kaso nung ako na ang busy, di niya ma-gets kapag nasa work ako at tumatawag siya. Need ko ba laging mag-adjust? Minsan pa naman nasa meeting ako with superior namin sa abroad.

Umalis na kasi ako sa company ng mga pinsan ko kasi need ko ng growth, financially at personally. Kasi alam kong hirap na rin silang dalawa na patakbuhin ang maliit na kompanya nila lalo't ang laki ng tax na tinatapyas sa kanila. Nunca na malakas ang delivery services nung kasagsagan ng pandemic, ayun, sila ang dinale sa tax income returns. Ang laki tuloy ng binayaran nila sa annual business renewal.

Nasa BPO company na ako ngayon, magdadalawang buwan na rin, at minsan laging graveyard shift pa. Napagsasabay ko naman dahil magagaan pa ang mga kinuha kong mga units sa course ko as a freshman. Kaso toxic kapag sumasabay si Babe.

Napapamura na lang talaga ako.

Ngayon nga, di na naman ako kinikibo, kanina pa ako tumatawag at nagcha-chat. Nasa dorm na siya ng team nila sa Pasig nag-i-stay, magdadalawang linggo na.

Yan pang isa sa naging dahilan ng away namin nung kailan lang. Bakit di ko daw siya pinupuntahan at bakit di ko man lang siya masamahan. Sige, hahatiin ko ang katawan ko.

Nung isinagot ko yun, 'ayan na, di na tumigil sa kakadakdak at reklamo, kesyo di ko na daw siya love at baka may iba na daw akong mahal.

Buwisit! Sa loob nga ng isang araw, kulang ang oras ko sa dami ng gawain, tapos maghahanap pa ako ng iba?

Aba, ibang klase, ni hindi na nga ako nakakapagbuhat ng dumbells o push up sa umaga kasi madalas ang pasok ko sa klase 8 am to 12 pm, tapos duty pa ako ng 4 pm to 12 am minsan naman, 7 pm to 3 am at minsan sinasabay ko na yung class ko sa hapon, nag-e-early in ako, ang tulog ko nga paputol-putol dahil bukod sa aral at trabaho, nag-aasikaso pa ako dito sa bahay.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon