CHAPTER 25 (Honeymoon Bliss)

40 4 0
                                    

*Miles*

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nakatingin sa kawalan, nakahiga sa malambot at tila kasing puti ng bulak na comforter, nakabalintataw sa kisame habang inaalala ang nagdaang mga araw sa 'min ng asawa ko.

Asawa, hindi pa rin ako sanay, pero nitong mga nagdaang araw at gabi, wala kaming ginawa kundi ang magmahalan matapos ang mahabang pasyalan.

Bumabalik tuloy ako dun sa unang beses na sumakay ako ng eroplano hanggang sa pangalawang beses na kasama ko na siya. Bihira lang kasi akong maglakwatsa kaya naman bawat first time ko, memorable.

Una kaming lumapag sa London, bilang first stop ng European tour namin. Nakipag-meet up kami sa kaibigan ni Babe at sa asawa nito. Double date kami sa isang sikat na kainan sa Street Market na bahagi pa rin ng London. Nakipagkulitan kami kay Kai, ang one-year-old baby nila Gianna at husband nitong si Arthur, tropa rin ni Babe.

Pinasyalan namin ang pamosong Notting Hill, nag-picture picture bago kami sumakay ng double-deck bus at dinala kami sa Warner Bros Studio tapos sa Madam Tussauds, kinagabihan, sumakay kami sa London Eye, kitang kita dun ang Big Ben at ilang famous landmark ng London.

Kinaumagahan, mga palasyo naman ang pinuntahan namin. Ang dami naming kuha sa Buckingham Palace, Westminster Abbey at Kensington Palace, maging Sa Tower of London at ilan pang madalas na hallmark sceneries sa postcards. Kahit sa sikat na Mayfair St at Thames River.

Nagtagal kami ng 4 na araw bago kami sumakay kinagabihan sa Eurostar train papuntang Amsterdam.

Pagkarating namin, nag-check-in kami sa hotel, natulog matapos ang mahabang gabi at kinabukasan, magandang tanawin ang bumungad sa bintana ng hotel room namin. Sa bay window kami nag-almusal. Maaga rin naming sinimulan ang pamamasyal.

Una naming sinubukan ang canal cruise, tapos bumaba sa Amsterdam Tulips Museum, marami rin kaming kuha lalo na si Babe dahil na-amaze siya tulips, sinunod na namin ang kalapit na museum, ang Rijksmuseum.

Namangha rin ako sa mga artworks ni Van Gogh na naipon sa museum dedicated dito. Tapos nilibot naming ang bawat streets gamit ang bike, maganda rin ang mga kuha namin lalo sa gabi, matagal kaming nakatambay sa Red Light District bago kami bumalik sa hotel.

Napagod kami pero di ibig sabihin, hindi na kami magla-loving loving, mas ginagahan ako kapag siya mismo ang nag-i-initiate. Ginugol namin ang apat na araw namin kakapasyal sa mga Royal Palace at sikat na 17th century architecture maging mga houseboats ng Amsterdam bago kami sumakay ulit ng train papunta namang Berlin.

Halos anim na oras ang biyahe, nakakapagod pero sulit naman dahil sa mga view na nadadaanan namin. Gaya ng ilang pasyalan na napuntahan na namin, may bayad ang ilang mga sikat na landmark sa Berlin, pero sulit naman.

Una naming pinuntahan matapos magbawi ng tulog ang Berlin Cathedral, (4 Euros) tapos na-curious kami dahil sa World War II history topic namin nung college kaya pinuntahan na rin namin ang Jewish Museum (3 Euros) pati ang Memorial to the Murdered Jew in Europe.

Pinasyalan rin namin ang Museum Island, (9 Euros) dahil na-curious kami. Tapos kumain sa malapit na bistro. Pinuntahan din namin ang Charlottenburg Palace and Garden na sikat dahil 1695 Baroque style architecture. Kahit gahol na sa oras dahil 3 days lang kami, sumaglit kami sa Rebuilt Reichstag na ultimate #lakwatsagoals ko.

Grabe, ang astig at ang complicated ng structure design ni Norman Foster. Ni-rebuild kasi dahil nasunog nung Feb 27, 1933, na ginamit ng Nazi government para magdeklara ng dictatorship o ma-sustain ang power at palabasin na mga communist ang nagsasagawa ng pag-aaklas. Importanteng simbolo kasi ito ng German parliament na siyempre, bilang isang inhenyero, di ko pinaglagpas na masilayan.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon