CHAPTER 28 (Overdosed)

48 3 0
                                    

*Miles*

Mabigat sa loob ko na pinagdesisyunan ang pag-resign ko sa trabaho. Hindi sa hindi ko na kaya ang pressure at mismong trabaho, dahil na rin hindi ko mahanap ang sarili ko sa kompanya na iyon at hindi nabibigyang halaga ang mga efforts ko para gampanan ang pagiging assessor/ junior associate engineer ng development team.

Sobrang nakakasakal pa ang mga kasama ko sa office, mas gusto ko pang mag-stay sa field/site para lang maiwasan silang mga tsismoso't tsismosa. Sobrang nalungkot ang mga naging kaibigan at kasundo ko r'on, lalo na sina Tino at Ching.

Sinabihan ko naman sila na kapag natupad ang plano ko, kukunin ko sila. Sumige lang sila pero habang wala pa, tiis-tiis muna sila sa trabaho.

Hindi ko na rin nakuha ang project sa V&C dahil mahigit isang buwan na rin, nakahanap na sila ng iba.

Ito yung mga kinakatakot ko kung magpe-freelance ako, kahit pa mas magaan yun at hawak ko ang oras ko, sariling tao ko pa, kaso bihira lang ang sunod-sunod na dating ng project. Paano na kung wala talaga?

Saan ako kukuha ng panggastos namin araw-araw? Kahit pa sabihin na malaki na rin ang sinasahod ng asawa ko, hindi ko naman pwedeng iasa na lang sa kanya ang lahat.

Five years na kami sa unit namin, dalawang taon na lang ang contract ng least namin, kaya kailangan na naming maghanap ng malilipatan. Kahit pa pwede naman kaming mag-extend, ayoko na rin, nasisikipan na kasi ako, hindi ko mabili ang gusto kong gamit dahil wala nang pupuwestuhan o paglalagyan.

Kahit siya, nagrereklamo na rin dahil minsan nahihirapan siya kapag naglalaba, sumasabay ang tyan ko. Kahit na sanay na kami sa limang taong pag-stay dito, siguro nga need na namin ng ibang environment.

Nabenta na ni Babe ang sasakyan niyang si Navellera at condo niya last year, yun ang pinangpondo niya sa trust fund namin, may hulog na rin naman ako kaso nagastos ko na halos ang ipon ko sa personal savings account ko dahil ako ang halos sumagot sa lahat ng gastos sa kasal.

Nag-alok ang misis ko na siya muna ang unang magda-down sa bahay na kukunin namin, pumayag na lang ako dahil nga wala rin akong hawak na pera, yung loan na nakuha ko, nasa bangko pa, saka ko na gagalawin in case of emergency pero ngayong wala akong trabaho, balak ko sanang ipangpuhunan sa negosyo na lang ang pera.

Kaso, anong negosyo naman?

Hindi ko alam kung anong susunod kong hakbang pero kahit paano, mas makakapag-isip ako nang matino kung ipapahinga ko muna ang sarili ko mula sa alalahanin. Paglalaanan ko muna ng pansin ang mga nakalimutan ko nang hobbies.

Nag-usap naman kami ng misis ko tungkol sa pag-alis ko sa trabaho, nakita ko ang dismaya pero hindi naman siya tumutol, siya pa ang nagsabi na mag-focus muna ako sa mga bagay na nagpapasaya sa akin.

Iyon ang isang bagay na pinagpapasalamat ko dahil sobrang understanding ang misis ko. Isa pa, hindi ko rin naman pinapabayaan ang tungkulin ko dito sa bahay, at dahil siya ang may trabaho at zero ako, sa akin nakatoka ang lahat ng gawaing bahay.

Ganun naman, kung sinong kumikita at may trabaho, siya ang pangunahing provider. Hindi naman kami nanghihilian tungkol dun, kasi tanggap ko na strong, independent and modern woman ang napangasawa ko. Wala rin sa kanya kung mas angat siya sa estado sa buhay, hindi basehan yun sa kanya.

Kaya ang laking pasasalamat ko na ganun ang asawa ko. Hindi siya mapaghanap, hindi nangtutuos at higit sa lahat, tanggap niya kung sino ako.

Kahit paano, may mga bagay pa rin na meron ako na dapat kong ipagpasalamat at ikatuwa. May asawa akong mapagmahal na, mapang-unawa pa at mga kaibigan na maaasahan sa oras ng kagipitan.

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon