“Mon Ami, ikaw at ang maitim mong budhi, ililibing ko sa ilalim ng halimuyak ng rosas,”
Sonja is a force to reckon with.
She is a smart, quick and resourceful assassin adept in both long-range and melee combat. But like her comrades and fellow hitmen, she has a dark and deep story.
She was raised in a normal household and had a friendly environment when she and her twin sister, Cassidia met a man one fateful day and that day became her biggest nightmare.
As she wanted to seek justice for what happened to her twin sister, she stumbled upon a lady called 'Bella Rosa' and offered her a contract that she unconsciously took without realizing what it entailed.
Now that she wears another name under the secret organization called Deadly Lotus, she tries her hardest to search for that man and kills him. The man who made her trade her soul to the devil.
***********
Trigger warning: mature content ahead, be informed that this is a mature-themed story that contains some violence, language and gore scenes. Please take note that this is just a work of fiction and the scene you're about to read is just a product of the pure imagination of the author.************
‡Excerpt from Black Rose: Sonja Hizon's Story‡
“Sigurado ka na ba sa sinasabi mo? Ha, hija?”
Narinig ko na naman ang tanong na iyon mula sa may-edad na babaeng nakaupo sa likod ng isang luma at maraming kalat na mesa.
Saka ako sinipat mula ulo hanggang paa, nakaka-intimidate ang mapanuring mga mata nito sa likod ng suot na reading glass. Mukhang doble-vista, gaya ng suot ko.
“Mukha kang musmos na inutusan ng nanay mong bumili ng suka, ano naman ang nagdala sa ‘yo dito?”
“Gusto kong matuto, gusto kong maging apprentice n‘yo, Madame Le Russo,”
“At ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko yun?”
Natigilan ako at nag-isip saglit. Napahawak tuloy ako sa braso nito nung tumayo at plano na akong iwan.
“Nakikiusap po ako, turuan n‘yo po ako, pangako, magiging magaling po ako, hindi ko po kayo pahihirapan, ano, ahhh...mataas po ang mga marka ko, ahm..honor student po ako palagi sa klase,” I was blabbering nonsense, and my stammering was a total turn off.
Tinitigan lang ako nito bago bahagyang ngumiti. “Makinig ka, hija,” saka nito kinalas ang kamay ko sa braso niya. “Hindi madali ang hinihiling mo,”
“Alam ko po, gusto ko lang...” napayuko ako dahil para na akong tanga.
“Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, hija, pero sana malaman na hindi ito basta isang lugar kung saan pwede ang lahat ng naiisip mo,”
“Alam ko po ang pinapasok ko, pakiusap, Auntie, tulungan mo na po ako, gusto ko lang... Gusto ko lang ipaghiganti ang kapatid ko!” hindi maiwasang lumabas ang saloobin ko. “Pakiusap po, hindi ko po kayang manahimik, dahil hindi rin naman ako pinapatahimik, habang tumatagal, habang lumilipas ang panahon, dala-dala ko pa rin ang lahat dito, dito sa utak at puso ko,”
“Sa tingin mo ba, matutulungan ka ng ganyang kaisipan? Ha? Camilla, gusto mong maghiganti, para saan, para kanino?”
“Auntie, sinabi ko na sa inyo ang totoong dahilan, bakit hindi pa ninyo ako kunin?”
“Tingnan mo ang sarili mo,” napakrus ang mga braso. “Naka-school uniform ka pa, sa tingin mo ba, may maniniwala sa 'yo?”
“Kaya ko namang baguhin ang hitsura ko, basta kunin n'yo po 'ko,”
BINABASA MO ANG
Sunset in Paradise
General Fiction"Hindi sapat na mahal ka lang at mahal mo siya para masabi mong kayo ang para sa isa't isa." The couple that has been through thick and thin, survived tides high and low, is considered unbreakable. Miles and Reina are the best examples of that. Th...