EPILOGUE

108 4 17
                                    

Banayad ang init na humahaplos sa pisngi ni Reina at tila may halong lambing ang pagdampi ng labi sa kanyang pisngi at leeg hanggang sa tuluyan na siyang magising. Bumungad ang ngiti ng kayang kabiyak, sinuyo siya at nagtagal ang halik sa tuktok ng ulo niya.

“Good morning,” mahinang bati ng asawa niya at hinagkan pa siyang muli sa noo. “Kamusta ang pinakamagandang babae sa buhay ko?”

Napangiti siya at nag-inat. “Anong oras na ba?” usisa niya at napatingin sa antigong orasan na nakasabit sa dingding.

“Maaga pa naman, kaso may appointment ka pa, di ba may check up ka ngayon?”

“Babe, bukas pa yun,” pagtatama niya habang hinahabol ang antok niya. Napapapikit pa siya.

“Ganun ba, sorry,” hinging paumanhin nito sabay baba ng tingin sa umbok na tiyan niya. “Morning, baby,” saka bumaba ang ulo nito para hagkan ang pangalawang bunga ng pagmamahalan nila.

“Nasa'n si Atticus? Gising na rin ba?” usisa niya sa asawa habang nakayakap sa kanya. Idinidikit pa ang tenga nito sa tyan niya para pakinggan ang tibok ng puso ng sanggol nasa sinapupunan niya.

“Baka tulog pa, di ko pa nasilip eh,”

“Puntahan mo na, hahanapin ka na naman nun,”

“Dadda, Dadda?” ungot na galing sa boses ng isang bata.

Pareho silang napangiti dahil narinig na nila ang panganay nilang hinahanap ang ama.

“Baby, 'andito si Dadda, sa kwarto ni Momma,”

Sumilip sa pinto ang cute na cute na isang taon at tatlong buwan nilang anak na bitbit ng Yaya nito. “Dadda, iwan,” nagpupungas-pungas pa ng mga mata.

“Sir, hinahanap kayo, ang aga nga pong nagising,”

Pinapasok nila ang Yaya sa master bedroom nilang mag-asawa. Kinuha naman ng mister niya mula sa yaya at kinarga ang anak. “Big boy ka na eh, dapat di ka na umiiyak, di ba may baby brother ka na,”

Hindi umimik ang bata at suminghot-singhot pa saka yumakap sa balikat at kumapit pa sa leeg ng ama. Napangiti na lang siya habang nasasaksihan ang lambingan ng mag-ama niya.

Parang kailan lang, ang bilis ng panahon, magdadalawang taon na ang panganay nila sa darating na Oktubre. At ang pangalawa nila malapit na ring lumabas. Halos kabuwanan na rin niya sa papasok na Pebrero. Ika-tatlong pu't pitong linggo na niya at malapit na sa huling trimester ng pagbubuntis niya.

Nagtama ang tingin nila habang henehele ng asawa niya ang naglalambing na anak.

“Buti pa, babe, mag-agahan na tayo,” mungkahi nito at ibinalik ang kargang anak sa yaya. “Palitan mo muna ng damit, baka puno na rin yung diaper,”

“Sige po sir,” pagtugon ng yaya habang karga ang bata saka lumabas ng kwarto.

Naupo naman ang asawa niya sa gilid niya habang pinili niyang maupo. “Kaya?”

Tumango lang siya. Nahihirapan na kasi siyang umupo dahil sa bigat at laki ng tyan niya. “Babe, promise, ang laki talaga ng tyan ko ngayon, di gaya nung time ni Atticus,”

“Nanibago ka lang,” inilahad naman nito ang braso para kapitan niya.

Inagapay siya nito hanggang sa makatayo na siya at naglakad-lakad. Napatapat siya sa body mirror ng kwarto nila.

“Ang laki ko,” at itinigilid pa talaga niya ang katawan para tingnan sa salamin ang sarili.

Ngumiti lang ang asawa niya at lumapit sa kanya. “Bagay nga sa 'yong buntis eh, mas lalo kang gumanda at para sa akin, mas sexy ka tingnan ngayon,”

Sunset in ParadiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon