diskriminasyon

167 3 0
                                    


Akto kung saan hindi kailan
man katanggap tanggap.
Bagay na kailan may
hindi makatarungan,

Hindi ko lubos maisip
Bakit?Bakit may mga taong gumagawa nito?
Bakit nila nakakaya ito?

Bagay na diko inaasahang mararanasan ko,
Tila tinapaktapakan ang aking pagkatao,

Pagmamaliit, insulto,
pananakit, pambubulas,
Bagay na meron ito,

Kapag ito iyong mararanasan,
Hindi mo maiisip kong paano ka,
Makakatakas sa epektong dala nito,

Sa pagkatao mo'y malaking epekto,
Nakakawala ng tiwala sa sarili
Pakiramdam mo'y pinagsakluban ka ng langit at lupa.

Sa paglaban mo rito'y
Tila dimo alam kong mananalo ka,

Kaya nawa'y mamulat ka sa katutuhanan,
Dulot nito'y hindi katanggap tanggap
Wag mong subukang gawin sa iba,
Pagkat sa pagbalik nito sayo'y higit pa sa inaasahan

Sa pagbasa mo nito.
Sana maunawaan mo ,
Kung gaano kahalaga na matigil ang diskriminasyon.

Sa ulit-uli , bali-baliktarin ma'y
Hindi parin magbabago ,

Sa Diskriminasyon,
Buhay ng isang tao 'y
masisira

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon