𝑲𝒂𝒉𝒊𝒕 𝒑𝒂

5 1 0
                                    

~

Ilang buwan at araw narin ang nagdaan,
mga alala kumakatok sa isipan,
mga sakit sa puso'y naka-ukit,
hindi nawala-wala ano mang pilit.

Muli na namang nagbalik,
ang sa puso'y sabik,
sa muli mong pagbalik,
kahit pa malabong ika'y bumalik.

Nais ko sanang ika'y muling makapiling,
kahit pa hindi kana maging akin
basta't masaya ka sa kanyang piling
handa ko itong tanggapin

Isang tulang walang katugma-tugma,
ang maiaalay sa'yo , sinta.
Alam kong malabo mong mabasa
ngunit ako'y umaasang makarating sa iyo sinta.

✍️ mula sa panulat ni : DManunulat

•PLAGIARISM IS A CRIME
open for criticism

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon