Idadaan ko nalamang sa tula,
mga nais sabihing hindi ko maisalita.
Unang -una salamat sa pagpapahalaga,
alam kong pasaway akong bata.Pero hindi niyo parin ako sinukuan,
Pagmamahal na inalay niyo'y di matutumbasan.
Wala salitang mailalarawan ,
kung gaano ko kayo pinapasalamatan.Simula nung ako'y nabuo,
di kayo nag kulang na akoy ipamulat sa mundo.
Kayo yung naging sandalan ko ,
sa mga oras na ubos na ubos ako.Patawad kong hindi niyo maririnig mula
sa aking bibig, mga salitang kabig ng dibdib.
Wala akong lakas para ihahag sa inyong harapan,
Itong aking nararamdaman.Idaan ko nalang sa tulang walang katugma-tugma,
mga salita na sa puso kong nakaukit,
Sa bawat saya, galit , galak , at sakit ,
Lagi kong ipinagpapasalamat na naging parti ako ng iyong pamilya.-DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat