Tugma pero hindi tama

0 0 0
                                    


Huwag mo nang pilitin pang ihabi
ang namumuong pagtingin
alam mo namang hindi mo pwedeng pilitin,
masasaktan yaring damdamin
maaring may tugma pero
alam mo namang hindi tama.

Ihalintulad nalamang natin
sa araw at buwan sa langit
nandiyan ang araw sa iyong kasiyahan
habang karamay mo ang buwan sa bawat kalungkutan
ngunit hindi mo sila pwedeng makasama ng sabay.

Ang araw at buwan ay nandiyan pareho mong karamay
pero hindi sila pwedeng ipagsama ng sabay
tulad nang pag-ibig niyo
kailangan mong mamili kong ikaw bay bibitaw
o patuloy na mananatili.

Mananatili kapaba kung alam mong masakit na
O bibitaw kana kasi masakit na.
nakakalito diba, kaya bakit kapa magpapakatanga
naging tugma man kayo minsan,
ngunit di nangangahulugan ng walang katapusan.

Maisip mo sana ang halaga mo
huwag ka sa pag-ibig magpapaloko
Simpleng paalala , tula ng may katha
walang tugma pero may talinghaga
naway maunawaan mo sinta.

✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon