Nakatanaw sa malayo
daan patungo sa hinaharap
ako'y tila hindi pa handa
natatakot akong madapa.Ninais kong matupad
mga pangarap kong hinahangad
ngunit kay hirap sumagad
nawalan na rin ako ng dignidad.Paulit ulit na akong nadapa
sana lang makaya ko pang tumayo
at harapin ang panibagong yugto ng buhay ko
bukas makalawa , sana kaya ko pa.Nakakapagod ngunit nanatili parin ako
lumaban kahit akoy suko na
mga pangarap sa buhay
namuno ng lumbayNoon, ngayon, at sa hinaharap
kay sarap mangarap
ngunit tuparin ito'y kay hirap
kasaganahan ay tila malabo kong malasap.-DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Puisi⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat