Bisexual

2 0 0
                                    

Sa hindi inaasahan napa-ibig mo ng tuluyan,
Sa pagpana ni kupido ako ang tinamaan.
Tutuo ako sa aking pagkatao pero
Pagdating sa iyo hindi ko na kilala pa ang sarili ko.

Babae ako alam ko sa sarili ko,
Pero ba't sa iyo'y nagkagusto , gayong babae karin tulad ko.
Ibang iba ang yong dating nakakapagbagabag ng aking damdamin.
Sa iyo yata ay nahulog ng tuluyan yaring damdamin.

Sa mata ng lahat ito'y di katanggap-tanggap,
Itong nadara ko rin namay di ko matanggap.
Bakit sa iyo pa nagkagusto , para tayong araw at buwan,
malabo pa sa malabong magkatuluyan.

Pero umaasa ako na kahit papaano ,
Manatili kaparin sa piling ko ,
Kahit hindi ako ang makakatuluyan mo
Ang mahalaga ay andito kaparin sa piling ko , maging hanggan nalamang kaibigan ko.

✍️DManunulat

• Dedicated prenny kong nainlove sa kapwa babae.

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon