Unti-unti ng nawawalan ng gana
Tumugma at humabi ng salita
sa dimawaring dahilan,
pagsusulat ko nga bay wawakasan.Siguro ito na ang huli
nawawalan narin ng tiwala sa sarili.
Magtugma-tugmain man sarili'y dina mapipigilnan
Oras na yata para akoy magpa-alam.Hindi ko lubos maisip na darating ang dulo,
ang wakas ng paglalakbay ko.
Sa kabila ng lahat ako'y nagpapasalamat
sa lahat ng bumasa't at tumangkilik sa aking mga sinulat.Maaaring ako ma'y magpapaalam
ngunit mga alaala kasama kayo'y diko malilimutan,
Sa ngayon ako muna'y mamamahinga
Sa pagsulat ako'y hihinto muna pansamantalaHindi ko maipapangakong babalik pa
ayaw ko ri'y kayo ay mapaasa
Kung babalik ba ako muli
ang panahon na ang magsasabi.✍️DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat