Ngiti ng dating ako

0 0 0
                                    

~ Ngiti ng dating ako~

Nakakamis kana ,
namimis na kita,
Iyong ngiti ng pagsinta,
at ang wagas mong magtawa,

Namimis na kita,
yong nakaraang magandang ala-ala
mga ngiting walang ini-inda,
matagal-tagal narin mula ng magparamdam ka.

Kumusta na, babalik kapa ba.
Kung muli pabang masisilayan ka,
At ang tamis ng pagsinta,
kung paano tayo nagsimula.

Nais ko sanang maibalik ka,
ngunit tila malabo na,
Nakakamis karin pala nakaraan ko,
Iyong dating ako.

✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon