Ating kwento

0 0 0
                                    

Kung siya man ang iyong pipiliin
ayos lamang sa akin
wala akong magagawa kung siya
sa pag-ibig mo inalayan

Simple lamang na tula
naglalarawan ng aking nadarama
walang halong biro , napa-ibig mo
ngunit wala naman akong laban kung siya ang pipiliin mo.

Siguro nga hanggang kaibigan lamang
ang kaya mong iaalay sa akin
tanggap ko naman,sadyang mahirap lang takasan
itong aking nararamdaman.

Sa susunod na habang buhay
nawa'y ako na ang binibini para sa iyo
umaasa ako na mabuo ang ikaw at ako
sa susunod na kwento.

✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon