KUMUSTA NA EX?

35 3 0
                                    

  Kumusta ka na, Kumusta na siya?
Balita ko kayo ng dalawa,
Yung mga plano natin noon
Nagagawa niyo na ngayon.
 
  Hinahanap ko parin yong kasagutan,
sa likod ng yong paglisan
Ilang taon narin pala ang nagdaan
mula ng ika'y lumisan.

Hanggang ngayon di parin malinaw
  Kung bakit ka nga ba bumitaw,
Ganun ba ka dali'ng pag-ibig mong mahanaw,
Sana lang dumating ang araw

Kung kailan muling pagtatagpoin ang ating mundo,
Nais ko kang malaman ang dahilan mo,
Ipagpaumanhin kung ako'y namimilit parin,
Pangakong ito na ang huli, at ako'y lilisan na rin.

Bago palang ako lilisan, nais ko lang malaman
Ang dahilan ng yong pagbitaw,
sa kapit ng pag-ibig mong pansamantala,
Ingatan mo siya, baka kasi magising kana lang,

Isang araw, ikaw naman ang bitawan
ng taong pinalit mo sa akin
Nawa'y di mo sana maranasan,
Kung gaano ka sakit ang iwanan.

-DManunulat
ππππππππππππππππππππππππ

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon