pamilya ko

105 5 0
                                    

'

Sila yong unang taong
Nagbigay pag-asa sakin
Yong taong lubos
Kong pinagkakatiwalaan

Sila ang naging ilaw
Sa dilim ng Gabi
Nagsilbing gabay
tungo sa liwanag ng sikat ng araw

Yung unang taong
Tumanggap sa buo kong pagkatao
Kahit gaano pa ako
Ka sakit sa ulo

Sabay sa lakbay ng aking buhay
Laging nasa king tabi
Sa saya o kalungkutan
Sa ligaya o kagipitan

Sila ang nagsilibing
Inspirasyon kong
Tuparin ang aking
Mga pangarap na nais marating

Ano mang pagsubok ang dumating
Sa buhay ko'y , sila'y nariyan
Hindi kailman ako iniwan
Laging maasahan

Nagbigay lakas
saaking lumaban kahit ,
Ako'y pagod na pagod na
At nais ng sumoko

Hindi maikukumpara kanino man
Hindi mapapalitan
Hindi nang-iiwan
Laging nariyan

Walang salitang mailalarawan
Kong gaano ako ka swerte
Pagkat nagkaroon
Ako ng mga taong yun

Sila ang nasasandalan, kaibigan,
Tumaggap at una't huling
Nagmamahal sa akin
Sila ang Pamilya ko

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon