Huling Sulat

1 1 0
                                    

~Huling Sulat~

Kumusta kana,
nabalitaan kong nagkalabuan din kayong dalawa,
nang taong pinalit mo sa akin ,
yung pinili mo kaysa sa akin.

Pasensya kana,
Kung nagparamdam ako bigla,
wala sa intinsyong guluhin kayong dalawa.
nais ko lang naman malinawan na.

Nakakatawang isipin,
na hanggang ngayon di ka parin magawang-limutin,
di parin kasi malinaw sa akin.

Nais ko lang sanang tapusin,
nag tulayan lahat ng meron sa atin.
closure kung tawagin,
para tuluyan na akong patahimikin.

Masasabi kong ito na ang huling sulat,
na ikaw ang paksa ng aking panulat,
Bago ko tuluyang ikaw ay pakawalan na,
Ito narin ang huling tula na iiaalay sayo , Sinta.

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon