"
Mahal kumusta na? ilang buwan narin pala
ang lumipas, ilang araw narin ang lumubog
mula ng tayo'y pinaglayo
Nabalitaan kong masaya kana aa piling ng iba.An'sakit lang kasi, dahil puso kong ito
umaasa parin, na muling mabubuo ang dating tayo,
pero siguro ganun nga talaga
pinagtagpo tayo pero hindi itinadhanaNgunit nagpapapasalamat parin ako kay tadhana,
dahil kahit minsan lang naranasan kong ibigin ka.
Naranasan kobg makakilala ng isang tulad mo
na minahal ko ng totoo, kahit pa hindi man tayo sa huliSiguro ito narin ang oras para ako'y bumitaw
sa pagkapit, kasi masyado naring masakit,
hindi kona kayang iahon pa ang pusong
matagal ng nalubog sa dagat ng nakaraanNgunit kahit gan'to ang kinalabasan ng lahat
naging masaya naman ako kahit saglit
sa aking pagbitaw sa kapit
nawa'y maging masaya ako ulit,Kahit pa masakit sa akin
na bitawan ka na inakala kong sa
walang hanggan , Ito na yata ang katapusan ng kwento ng ating pag-iibigan
.
.
.
.
.
-DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat