MENSAHE

36 1 0
                                    

Sa Gabing madilim
Nakatago ang mga lihim
mga sekreto ng damdamin
at mga sakit na pilit isinasantabing bilin.

Isang tula, na walang katugma-tugma
ang tanging maiaalay sayo, sinta
Hiling nawa'y iyong maintindihan
nakatagong mensahe sa bawat salita.

Hindi ko kayang sabihin ng harap-harapan,
Ni hindi ko magawang subukan.
Itutula ko na lamang, mansaheng sayong nakalaan,
Hayaan mong sa pamamagitan nito, masasabi ko yaring mensahe sa iyo.

Sa bawat pintig ng aking puso,
pangalan mo ang sinisigaw nito.
Sa bawat pag patak ng luha ko,
kasabay ng pagbitaw ko sa iyo.

Baka sa susunod na habang buhay ,
maging parte sana ako ng yong buhay.
Sa susunod na mga minuto,
nawa'y maalala mo pa ako.

Hindi ko na pipilitin ,
masyado ng nasaktan ang aking damdamin.
Napagod na rin,
Sa pag tibok yaring aking damdamin.

Baka sakali lang sa susunod,
ni bathala'y ipaglugod.
Sa sugal ng pag-ibig,
na kahit kalabanin man yaring daigdig.

Pareho tayong sumubok magmahal,
ngunit ako'y nag mukhang hangal.
Tulang  ikaw ang paksa,
ako mismo ang may akda.

Gaya ng Gabi,
Puno ng kadiliman,
Mahirap ng hanapin,
ang liwanag ng katutuhanan.

-DManunulat

@DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon