Isang kabanata na naman ang natapos
panibagong yugto ay sisimulan
mananatili sa puso ang mga karansan
maging sa magpawalanghangganSa araw na ito ,
sisimulan ang panibagong kwento
kung saan wala kana sa tabi ko
maaaring ito na ang huling pyesa
na ikaw ang paksa at ako ang may akda.Isang buwan na naman ang lumubog
sa ilog ng nakaraan.
Isa itong panibagong simula
na magtatapos lang rin na parang bula
sa paglipas ng mga araw ,patuloy na tatanaw sa daan'g nakakamanghaw
kung saan hindi kana kasabay sa byahe
iiwan man natin ang isat-isa nais kong masabi,
kay gana ng kwentong binuo ng minsang
ikaw at ako, sarili ko.-DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Puisi⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat