Wattpad

0 0 0
                                    

Maraming nagsasabi bakit ako naadik sa iyo
ano bang meron ka na talagang nagustuhan ko.
Mga kumento nilang malayo sa nakikita ko
kasi hindi naman sila katulad ko.

Isa akong mambabasa , mahilig sa mga tula at kwento,
bukod sa mga aral ay meron din naman akong mga  natutunan mula ito.
Hindi nila ramdam , hindi nila muunawaan
dahil wala naman silang kaalaman sa mundong ito.

Porket daw wattpader , mahirap ligawan
high standards daw sabi nila.
Inaamin ko pati naman ako, pero hindi naman nangangahulugan na yung talagang walking green flag ang hanap ko,

Ibat ibang scenaryo ang nasa isip namin,
na siyang sa kwento sumasalamin.
Nawawalan kami ng gana tuwing nagpapatalo  ang bida pero, lalo na kung nag-iiba ang takbo ng kwento.
Patuloy parin kaming naghihintay sa update author kahit pa inaamag na kaming naghihintay.

Masasabi kong ang pagiging mambabasa,
ay kailanman hindi ko ikakahiya,
wattpad ang pahinga ko
lugar kung saan nabubuhay ang karakter na gusto ko.

✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon