Sana mapansin

2 1 0
                                    


Sa tuwing kasama ka
di maipaliwanag ang saya,
bawat ngiti mo't pagtawa
langit ang nadarama.

Isa , dalawa, tatlo
binibilang ang bawat sigundo
na ika'y nasa sa aking piling
na siyang laging hinihiling.

Hindi ipagkakaila
ako'y natamaan na
sa patibong ni kupido
at laro ng tadhana.

Sa pagitan nang ngayon at kailanman,
umaasa sa walang kasiguraduhan,
pagtingin ko kaya ay mapansin
kung sa iba ka nakatingin.

Patuloy na naghihintay
sa di alam kung darating,
Patuloy umaasa
kahit na malabo naman talaga.

Sa pagitan ng ikaw at ako
malabo man na mabuo,
umaasa parin ako
na tanggapin mo,

ang pag-ibig kong ito
na  buong puso
kong inaalay sa iyo
sinisinta ko.

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon