Masyado na kayong madami
hindi ko alam kung kaya pa ng sarili
na lumaban at magpatuloy kumapit
sa kasi masyado ng masakit.Klase-klaseng problema,
kaibagan, iskwela, maging sa pamilya.
Sa tutuo lang hindi ko na talaga kaya,
ni hindi ko nga akalaing nakaya kopa
na gumising sa umaga.Na parang may kung anong bigat sa puso
na diko lubos maipaliwanag,
gusto kong maiyak kaso pati luha
ay tila napagod ng umagos .Nais ko nang sumuko, at tumalikod
sapagkat ako'y masyado nang pagod,
Dimaka tulog sa gabi kaiisip saan ba ako
nagkulang, nagawa ko naman ang lahat
pero parang dipa yata sapat.Papaano paba ako lalaban
kung tuluyan ng nawalan ng laban.
Natatakot ako nabaka maisip ko
na tapusin nalang ito.
✍️DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat