worst-best section (graduation poetry)

0 0 0
                                    

// Malayang tula //

Proudly Dedicated to :
Grade 10- DILIGENCE ( 2022-2023 )

📌 Bago mo basahin iyak ka muna charr, eme lang tuh. Grammatical errors ahead, Para ito sa mga classmate ko this school year, Free to criticize it.

" Worst-best Section "

Hindi ko alam papaano sisimulan ang tula kong ito,
wala sa loob ko na maging paksa kayo.
Maaaring nagkusa lamang ang sarili ko,
ito'y buong puso kong iaalay sa inyo.
Walang halong pambobola,
walang tugma pero may talinghaga
malayang tula kumbaga,
ilalarawan ang mga naging karanasan,

Sa mahigit kumulang isang taon nating pagsasama,
inaamin kong naging isa kayo sa magandang kabanata
ng buhay mag-aaral ko, kumakatok sa aking diwa
mga alaalang ating napagsaluhan.
Mula nung unang araw ng klase hanggang ngayon
na magtatapos ang yugto ng ating kwento.
Unti-unti nating alalahanin mga karanasang napagdaanan
natin ng magkakasama.

Naalala ko pa nung tayong nagkawatak nang diman lang umabot ng isang buong araw, pero iyak niyo'y tila pangkamatayan, kung paano tayo sumikat dahil sa mga katarantaduhan ninyo.
Nakakatawa lang kung papaano natin nalampasan ang lahat ng iyon.

Hindi ko malilimutan mga ugali niyo isa-isa,
Press naming pasimuno , may iyakin pang pikon,
di mawawala ang mga kaklaseng ginawang dating place ang room, may bully, meron namang souce of answer, di mawawala ang sorce ng papel, lalo na ang mga tahimik lang kagaya ko .

Nais ko lang iparating na ,
salamat sa makapagbagabag damdaming alaala,
diko iyon makakalimutan ulit-ulit maraming salamat
buong puso kong iaalay liham kong tula ng pamamaalam.
Sa pagtatapos man ang ating kwento, magsisimula naman
ang panibagong yugto.

Isang kabanata na hindi ko malilimutan
salamat sa naging alaala nang nakaraan
mananatili kayo sa isipan,
masasabi kong masaya ang naging katapusan
Hanggang dito nalamang , at paalam.

mula sa tinta at panulat ni : DManunulat

(071223)

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon