Ilang buwan narin ang lumipas
Ng sinubok ko ang bagay na ito
Alam kong kahangalan
Ngunit ang tukso'y hindi ko mapigilanNg hindi ko namalayan
Ako'y nahulog sa mga salitang
Iyong tinuran, pinangako
Mong aking pinanghawakanHindi ko man pansin
Alam kong marami ng nagbago saakin
Sarili ko man hindi ko na kilala
Kahangalan sayo'y nagpadalaDamdamin ang pina iral
Sigaw ng isip'ay binalewala
Nakakatawa man ngunit
Marami nga talagang nagbagoHinayaan ko ang sarili
Na mahulog sa bitag mo
Hinayaan ko ang sarili ko
Na mahalin ka sa puntong.....Ako'y naging Hangal
- DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poesia⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat