paano mo ngaba ako minahal

0 0 0
                                    


Hindi sa panhihinala,
nakakapagod nang manghinuha,
di malinawan puso kong luhaan
sa pinapakita't pinapadama mo, sinta.

Tila nung kailan lang , ako pa'y iyong reyna
ngayon tila ba alipin mo na ,
hindi literal ngunit nabihag ng puso mo sinta,
papaano na ngayon, kung ikay wala na.

Bakit ngayon pa , bakit sinta
hindi ko maiwasan isumbat , mga pangako mo
na ngayon ba ay maipapako mo na,
pakilinaw na muna bago ka umalis nalang bigla.

Isang tanong lang , bago kita tuluyang pakawalan,
at pakiusap huwag kanang magsinungaling,
mahal mo ba ako, dahil mahal moko
O mahal mo ko, kasi minahal mo ko.

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon